Direk Wenn Deramas, wala nang panahon sa movie ni Ai-Ai delas Alas

Direk Wenn Deramas, wala nang panahon sa movie ni Ai-Ai delas Alas

Wenn-Deramas-Ai-Ai-delas-AlasPALIBHASA HUMAHATAW sa rating ang seryeng Flordeliza ng ABS-CBN na-extend ito ng thirteen episode. Masayang ibinalita ni Direk Wenn Deramas na umakyat na sa 15 ang rating ng soap na dati nasa 11 lang. Kahit ma-drama ang bawat eksena at pinaiiyak ni Direk Wenn ang viewing public, lalo naman nila itong sinusubaybayan. Nakae-excite at kapana-panabik ang mga susunod na kaganapan sa mga characters na nagsisiganap. Outstanding ang performance nina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Joey Paras, Elizabeth Oropesa, at Techie Agbayani.

Naka-schedule nang mag-shooting si Direk Wenn ng pelikula nila ni Pokwang, ang Aswang with Richard Yap under Star Cinema. Magiging super busy na ang box-office director dahil MWF ang taping niya ng Flordeliza at Tuesday, Thursday at Saturday ang shooting schedule nito. Sunday lang ang pahinga ni Direk para sa kanyang pamilya. Every Sunday, nagsisimba siya kasama ang dalawang anak na sina Gab at Raffy at pagkatapos kakain sa labas, mamamasyal. ‘Yun ang bonding moment ni Direk with his two kids.

Kahit hindi box-office star si Pokwang, walang kaba factor si Direk Wenn na kikita ang pelikula nila. Naniniwala kasi siya kung maganda ang project, tatangkilikin ito ng publiko. At saka, depende raw ‘yun sa budget tulad ng Aswang, nasa P20 million lang ang production budget nito. Say nga ni Direk Wenn, “Akin  ang istorya, kaya alam ko kung papaano ito idi-direk. Malaki ang tiwala ko kay Pokwang as a comedienne, nakatrabaho ko na siya. Alam ko ang kanyang kakayahan bilang komendyana.”

Tinanong din namin si Direk Wenn tungkol sa movie project nila ni Claudine Barretto. “Tuloy ‘yun, determinado si Claudine na magpapayat. Nagba-boxing siya, nag-gym, zumba, todo-excercise talaga at diet habang hindi pa kami nagsisimula. Siyempre gusto niya in good shape ang comebacking movie nito. Kahit ako excited na makatrabaho uli si Claudine.”

Kung si Direk Wenn ang tatanungin, gusto niya si Piolo Pascual ang maging leading man ni Claudine. Mismong ang box-office director ang kumausap sa actor about the project. Willing naman si Papa P na makatrabaho muli ang magaling na actress. Sinabi ng award-winning actor kay Direk Wenn na iko-consider niya ang project. Kailangan lang mabasa nito ang storyline or script bago tanggapin ni Piolo ang movie project nila ni Claudine. “Kung talagang hindi puwede si Piolo, Dingdong Dantes ang second choice ko para kay Claudine. He’s a good actor, bagay sila, may chemistry silang dalawa,” tsika ni Direk Wenn.

After gawin ni Direk Wenn ang movie nina Pokwang at Claudine, isusunod naman nito ang movie nina Coco Martin at Vice Ganda and then ang pang-Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Gusto mang gawin ni Direk Wenn ang movie ni Ai-Ai Delas Alas this year, hindi na kakayanin ng power ng award-winning director. Kaloka sa dami ng movie project ni Wenn kahit madugo ang TF, willing ibigay ng Star Cinema at Viva Films. Kasi naman, kumikita ang kanyang mga pelikula at palaging top-grosser sa takilya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield