Direk Wenn Deramas, pinutakti ng fans ni Nora Aunor sa Facebook

Wenn-DeramasNAALIW KAMI sa kuwento ni Wenn V. Deramas tungkol sa mga fans ni Ms. Nora Aunor. Naisulat kasi namin dito sa Pinoy Parazzi na if ever ididirek niya ang Superstar gusto nito pang-mainstream na pelikula ang gusto niyang gawin para sa award-winning actress. Natuwa naman ang mga solid Noranian sa sinabi ng blockbuster director. Iba’t ibang reaction mula sa mga fans ng Supertar ang natanggap ni Direk Wenn sa kanyang facebook account.

Nand’yan na nagsa-suggest ang mga fans ni La Aunor ng istorya, casting, outfit na gagamitin sa bawat scene, etc. kay Direk Wenn. ‘Yung iba pa nga, nag-private message pa sa kanya. Nakatrabaho na kasi ng box-office director ang actress sa teleseryeng Bituin ng Kapamilya Network na humataw sa taas ng rating sa ABS-CBN. Sinabi ni Direk Wenn na fans sila ng nanay niya ng Superstar. Dream come true para sa versatile director ang maidirek ang hinahangaan niyang bituin.

Sa ngayon hindi pa napapanahon dahil sa sobrang hectic ng schedule nina Direk Wenn at Ms. Aunor. Mangyayari lang sigurong makatrabaho uli ni Direk Wenn si Ate Guy kung may movie offer ito sa Star Cinema at Viva Films, kung saan may kontrata ang box-office director. Sa ngayon, super busy si Ate Guy sa indie film na Kabisera na hanggang ngayon ay hindi pa tapos. Ayon kay Boy Palma, parang mainstream na pelikula ang ginagawa nila. Worth it naman daw kahit more than 2 months in the making. Kasunod nito ang pelikula ni Adolf Alix, Jr. na sisimulan next month. Limang indie films ang nakatakdang gawin ni Nora sa taong ito.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleNora Aunor, wala pang natatanggap na perang pampaopera mula kay Boy Abunda?
Next articleRichard Gomez, ginagawa at pinaninindigan ang pangarap para matupad

No posts to display