Direk Wenn Deramas, pinatawad na raw si DJ Durano

ADVERTISING

Direk Wenn Deramas, pinatawad na raw si DJ Durano

Direk Wenn Deramas, pinatawad na raw si DJ DuranoPAGKATAPOS NG presscon ng Momzillas na ipalalabas sa September 18, nakausap namin ang Box-Office Director na si Wenn Deramas at dito ay inamin nito na nagkausap na pala sila ni DJ Durano nang dumalaw ito sa kanya isang araw kung saan personal itong humingi ng tawad sa kanya.

ADVERTISING

Ayon kay Direk Wenn, naging maayos ang pag-uusap nila ng aktor, napatawad niya ito at ‘di rin itinago ng director na humingi din ng tulong sa kanya si DJ kung puwede siyang tulungan nito na mabigyan ng mga proyekto, kung saan agad namang tumawag at nag-text ang direktor sa mga kaibigan at kakilala sa produksyon na baka matulungan ang aktor.

Ipinaliwanag ni Direk Wenn na hindi niya sinabihan ang mga kaibigan at kakilala na huwag nang bigyan ng proyekto si DJ, pero ang mga ito mismo ang nag-akala na dahil naghiwalay nga ang landas nila ay ay ‘di na rin nila bibigyan ng project ang aktor.

Excited sa pelikulang Momzillas, kung saan inamin ni Direk Wenn sa presscon nito na fan siya ng Diamond Star, bilib na bilib si Direk Wenn sa propesyonalismo at dedikasyon ng aktres sa kanyang trabaho. Bukod pa na si Maricel ang aktres na kinakitaan niya ng hindi pagiging sakim sa mga kaeksena nito na umangat at makita rin ang husay nito.

ADVERTISING

Siniguro rin sa amin ni Direk Wenn na wala sa casts ng Momzillas ang naging problema sa set kung saan lahat ng mga ito ay propesyonal. Isa na nga rito si Eugene Domingo na kahit may gout habang nagsyu-shoot sila ng mga eksena sa Lobo, Batangas ay tuloy pa rin at hindi naringan ng reklamo kahit iniinda nito ang sakit.

Direk Wenn Deramas, pinatawad na raw si DJ DuranoBukod sa pelikulang Momzillas at Bekikang ay balik-serye na muli si Direk Wenn, kung saan siya ang direktor ng Galema, Anak ni Zuma na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann na ipalalabas na rin ngayong September.

 

NAPANOOD NAMIN ang sex video ni Wally Bayola at ng EB Babe na si Yosh bago pa man ito i-block sa YouTube at Facebook.

Sa ngayon, balitang pinatawan ng suspension ng Eat Bulaga si Wally kung saan ‘di muna ito mapapanood sa nasabing noontime show at palalamigin muna ang issue. Hindi na rin napanood si Yosh sa EB kung saan isa siya sa dancer.

Tulad ng Neri Naig-Chito Miranda sex video scandal, kung saan kahihiyan ang inabot ng dalawa kung kahit papaano ay katanggap-tanggap na rin dahil magkasintahan ang dalawa, dalaga at binata at parehong wala silang sabit sa buhay, sa sitwasyon ni Wally, nakalulungkot lang isipin na may-asawang tao ang komedyante at may sakit ang anak nito na pinahihirapan ng cancer.

Para sa iba, sana raw ay naisip ni Wally ang anak na naghihirap sa sakit bago ito gumawa ng isang kasalanan na hindi lang nagbilad ng kahihiyan sa kanya at kay Yosh kundi mas higit sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak. Sana raw ay tinatatagan ni Wally ang kanyang sarili sa tukso at hindi nagpadala sa kahinaan bilang isang lalaki.

Ngayon ay haharapin niya ang konsekwensiya na hindi lang sisira sa kanyang magandang imahe at pangalan na pinaghirapan niya sa loob ng matagal na panahon kundi sa magandang relasyon sana ng kanyang pamilya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING