Direk Wenn Deramas, patutunayan na may kinang pa rin si Maricel Soriano

ADVERTISING

Direk Wenn Deramas, patutunayan na may kinang pa rin si Maricel Soriano

Direk Wenn Deramas, patutunayan na may kinang pa rin si Maricel SorianoHINDI MAN natuloy agad ang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na pagsasamahan nina Maricel Soriano at Vice-Ganda, tuloy pa rin daw ang nasabing movie project, ayon kay Wenn Deramas. Inuna muna niya ang Mama Mia na first team-up nila nina Maria at Eugene Domingo under Viva Films.

ADVERTISING

Kahit inulan ng intriga ang Diamond Star, hindi naging hadlang ito para hindi niya ituloy ang movie comeback ng veteran actress.

Sabi nga ni Direk Wenn, “Lahat naman tayo ganu’n, may pinagdadaanan, hindi exception si Maricel du’n, ‘di ba? Ang mahalaga na hindi alam ng lahat na nagti-text kami regularly bilang magkaibigan, magkaibigan kami. Hindi porke may pinagdadaanan ang kaibigan mo, sasabay ko sa mga ‘yun. Huwag nating kalimutan na si Maricel Soriano ay Diamond Star pa rin ‘yan. Hindi naluluma o nalalaos ‘yan. Kumbaga, humahanap ng tamang timing ‘yan, naniniwala ako sa talent n’yan.”

Kumusta si Maria as a comedian? “Nakakatawa, hindi na pinag-uusapan ‘yan, laking Dolphy at Nida Blanca si Mary. Hindi na ‘yan pinagdududahan, alam mong pasok ‘yan. Matagal na siyang hindi gumagawa ng comedy, ang last niya, “I Will Survive” with Juday and Dina Bonnevie,” say ni Direk Wenn na sobrang bilib sa husay at galing ng actress pagdating sa comedy.

ADVERTISING

Napag-uusapan kaya nina Direk Wenn at Maricel ang pinagdadaan nito in the past? “Hindi na, naniniwala ako lagi na kapag tapos na, tapos na. Pag-uusapan ninyo para ano? Kung siya ang mag-o-open, bakit ang hindi? Ang pinag-uusapan namin nu’ng nag-dinner kami, ‘yung mga project na gagawin niya. Dalawa talaga ang gusto kong gawin niya, ‘yung kay Vice at ito. Kapag natuloy ‘yung ‘Bakla, Tomboy’, siya pa rin ‘yung Nanay ni Vice, same cast pa rin. After this two project, Vice na ang gagawin ko. Somehow, nag-aano ‘yung utak ko sa hirap na dinaanan ko sa “Bromance” na kambal si Zanjoe (Marudo), kambal (isang lalaki at isang bakla) pa lang ‘yun. Itong susunod ko apat so, hindi ko mapigilan na hindi mapag-isip-isip.”

Hindi pa man nailalabas ang movie ni Maricel with Uge, iniintriga na agad ito na baka raw hindi kumita. At kung mangyayari ito, hindi na itutuloy ‘yung Vice Maria movie ng Star Cinema at Viva Films. Malaki ang tiwala ni Direk Wenn sa Diamond Star, patutunayan niya na may kinang pa rin si Maria sa box-office.

Paliwanag niya, “Talagang naka-schedule na ang playdate, “Mama Mia” is July, “Bromance”, May 15. Tapos may Vice Ganda ako ng October. Tapos, tignan natin, hindi pa napag-uusapan kung may filmfest ako. Amin ‘yung October playdate  ni Vice, start with “Petrang Kabayo”, “Praybet Benjamin”, “ This Guy’s In Love With You”, lahat ‘yun October. So, nagkaroon kami ng panata ni Vice na sige, every October, gawa tayo,” kuwento ni Direk.

Tinuturing na best friend ni Direk Wenn si Maricel. Bilang kaibigan, ‘yung pagiging mataray niya, personality na nga ba niya ito? “Hindi ko naman kasi na-

experience ‘yung taray na ‘yun. Hindi ko alam, sa akin laging sweet si Mary. So, siguro hindi ka naman puwedeng mag-taray nang walang dahilan. So, kung natarayan ka, na-experience mo ‘yung taray na ‘yun, siguro may nagawa o nandu’n sila sa sitwasyon na kataray-taray. Otherwise, wala naman taong gustong nagagalit, ‘di ba? Para kang sira ulo. Ako naman nagagalit din ako madalas kapag may mga mali. Kung ako ang pamimiliin mo, ayaw kong magalit. Ayaw ko ng stress, pero kung hiningi, ibibigay ko naman ‘yan,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING