Direk Wenn Deramas: Nora Aunor, rebolusyonaryong artista

ADVERTISING

Direk Wenn Deramas: Nora Aunor, rebolusyonaryong artista

Wenn-Deramas-Nora-AunorAYAW NA sanang magsalita ni Direk Wenn Deramas tungkol sa pagkakalaglag ni Ms. Nora Aunor bilang National Artist dahil sa dami ng sumasawsaw sa issue. Nagsalita na nga si Pangulong Noynoy Aquino, droga ang pinakamabigat na dahilan kung bakit binura si Ate Guy sa listahan na puwedeng maging National Artist ng bansa.

Sa totoo lang, may karapatan ang box-office director na maybigay ng kanyang saloobin. Nai-direk na ni Wenn ang Superstar sa teleseryeng Bituin ng ABS-CBN.

“Ako talaga for National Artist, deserve ni Nora Aunor, deserve na deserve niya ang pagiging National Artist. You cannot marry artistry with morality. Dahil ang mga artist ay may mga topak. Kung gusto mong purong moralidad, madre ang i- nominate ninyo o pare or pastor. Kasi kung minsan, du’n humuhugot ng kabaliwan ang mga artist sa kanilang topak. Again, you cannot marry morality to artistry.

“Para siyang angel and devil. So, ibig sabihin, ginawa ni Nora para sa bansa para sa kanya kapwa Pilipino, napagkakaisa-isa niya noon ‘yan parang isang bayani. Na papanoorin ang pelikula, tulungan ang industry ng pelikula. Iangat ang kalidad ng pag-arte, si Nora ang nag-revolutionize ng lahat. Para siyang si Andres Bonifacio, mula sa itsura hanggang sa akting, binago ni La Aunor ‘yan.

ADVERTISING

“Puwede mong sabihin na nakatrabaho ko na si Ate Guy, na-experience ko ‘yan. Ako na mismo ang first hand sa ‘Bituin’, ‘MMK’ na-experience ko ang galing na ‘yan. At maganda ang working relationship namin ni Nora, kapag sinabi ko, ang call time 7:30 am, nasa set siya ng 6:30 am for make-up. May ganu’n kaming respetuhan ni La Aunor.

“But I cannot say anything about sa iba niyang nakatrabaho na nakaranas ng kanyang kaloka-lokahan. But she’s Nora Aunor, ibigay natin sa kanya ‘yun. She’s a Superstar. Kung ‘yung mga hindi nga Superstar, mga starlet na nag-diva-diva-han na wala ‘yung talino ni Nora Aunor, gumaganyan and yet ina-allow natin, si Nora Aunor pa ba? Ibigay natin sa kanya ang pagiging National Artist dahil malaki ang naiambag niya, lalo na sa ibang bansa.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING