Direk Wenn Deramas, nilinaw ang mga isyu kay Maricel Soriano

ADVERTISING

Direk Wenn Deramas, nilinaw ang mga isyu kay Maricel Soriano

Direk Wenn Deramas, nilinaw ang mga isyu kay Maricel SorianoSA ISA NAMING interbyu kay Direk Wenn Deramas, napunta ang usapan namin kay Maricel Soriano na lately ay may mga matitinding isyung kinasasangkutan. Hindi humaharap ang aktres sa media para magbigay ng pahayag tungkol sa mga negatibong usapin about her kaya bilang kaibigan ni Marya, si Direk Wenn tuloy ang natatanong.

ADVERTISING

“Ayan na nga ba! Ano naman ang kinalaman ko d’yan?” natawa niyang reaksiyon.

Pero sa pagkakakilala niya sa binansagang Taray Queen, magagawa nga ba nito na manakit ng kasambahay?

“O sige, bilang naging kaibigan ko si Marya kahit matagal-tagal na kaming hindi nakakapag-usap… nandyombag ng katulong? Hindi ako naniniwala na gano’ng nandyombag. Puwedeng may talak. ‘Di ba?

ADVERTISING

“Pero ‘yong sinasabi na may amba pa ng baril? Action star agad? ‘Di ba, Diamond Star?”

‘Yong nagda-drugs daw?

“E… mas vain pa ‘yan sa salitang ‘vain’! ‘Di ba may Lysol ang mga damit? ‘Di ba may alkohol kada ano…? ‘Di ba ‘pag-tsuk ng yosi, may klik kaagad sa bibig ng kendi… may gano’n?

“Drugs?”

E, ‘yong nakita umano ng katulong na nagda-drugs sa sofa?

“Baka ‘yong katulong ang nagda-drugs?” natawang biro ni Direk Wenn. “I-check natin ‘yong  katulong, ‘di ba?

“Kasi… tingnan natin, ano na ang age ni Mary ngayon? ‘Di ba? Magpu-46 na siya. Parang malayo. Hindi ko hinuhusgahan ang hitsura ng mga adik pero… ‘yong nanunuyot na balat, ‘di ba?

“Nakita n’yo bang nag-body dancer pa siya sa Party Pilipinas? Tapos… addict? Hindi ako naniniwala.”

Depressed daw ngayon si Maricel?

“Sinong hindi? Ako kadi-depressed ko lang din, o! ‘Di ba?”

Naghihirap na raw si Marya?

“Ay, hindi po ‘yan totoo. Mapapatunayan ko ito at mapapatay ako ni Marya kasi nai-chika ko. Pero may isa kaming common friend na isa ring artista, nangailangan. Isang tawag, tinulungan niya ng malaking ha-laga. Hindi ko na sasabihin ‘yong artista. Babae siya. Hanggang do’n na lang ang sasabihin ko. At hindi utang ‘yong tulong. Bigay.

“Basta ang ibig kong sabihin, ang isang taong poor na ay hindi makakapagbigay ng gano’n kala-king halaga. ‘Di ba?”

Ibinibenta na raw ni Maricel ang kanyang bahay sa halagang P50 million?

“Baka bibili ng mas malaki? Eh, ‘di ba meron pa siyang isang bahay sa Greenhills bukod do’n sa condo niya? Meron pa ‘yong sa White Plains.”

Engaged o ikakasal na raw si Maricel?

“Kanino? Sorry, wala akong alam diyan.

“Alam mo nag-usap na nga kami ni Boss Vic (del Rosario) na may movie talaga kaming gagawin for Maricel with Aga Muhlach and Roderick Paulate. Hinihintay ko lang siyang mag-decide kasi hindi pa nga siya nagpapakita, ‘di ba?”

May balitang nasa Europe daw ngayon ang aktres?

“So… poor? Saan ka naman nakakita, nababalitang dukha pero nasa Europa?” natawang muli si Direk Wenn.

Natsismis ding may karelasyong tomboy raw si Maricel?

“Hindi ko na-meet. Hindi ko kilala. Wala akong alam. Ngayon ko lang narinig iyon sa kanya.

“Alam n’yo, tingnan n’yo ‘yong mga isyu sa kanya… drugs, may lalake, nang-u-ombag ng katulong, naghihirap na… bakit sabay-sabay?

“Hindi ba kayo nagtataka o naghihinala na may guma-gawa ba ng ganito para sa kanya? Para sirain siya?

“Baka naman kasi may nasaktan? At gustong manakit din sa kanya?” sabi pa ni Direk Wenn.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING