Direk Wenn Deramas, nalungkot sa pag-alis ni Ai-Ai delas Alas sa Dos

ADVERTISING

Direk Wenn Deramas, nalungkot sa pag-alis ni Ai-Ai delas Alas sa Dos

Ai-Ai-delas-Alas-Wenn-DeramasPALIBHASA SOBRANG hectic ng schedule ni Wenn Deramas as a director, hindi niya alam ang nangyayari ngayon sa bestfriend niyang si Ai-Ai Delas Alas. Wala siyang kaalam-alam sa nalalapit na paglipat ng comedy queen sa GMA 7. Tapos na kasi ang kontrata nito sa ABS-CBN, kaya’t puwede na nitong tanggapin ang offer ng Kapuso Network.

ADVERTISING

Ayon sa aming reliable source, ang sabi raw ni Ai-Ai sa management ng Siyete, tatapusin muna niya ang kontrata sa Kapamilya Network (February 2015), at saka nito makikipag-usap sa big bosses ng GMA kapag natapos na kontrata niya sa Dos. Ang balita namin, makikipag-meeting na ang singer-comedianne at si Kuya Boy Abunda sa GMA management.

Reaction ni Direk Wenn tungkol sa nalalapit na paglipat  ni Ai Ai sa GMA-7? “Siyempre malulungkot ako dahil si Nanay ‘yan. Alam mo naman, kambal kami n’un. Last time kaming nag-usap after New Year lang. Pero wala kaming pinag-usapan tungkol d’yan. Sad ako, Ai-Ai Delas Alas ‘yan. Hindi na kami magkakaroon ng chance na magkatrabaho. Well, puwede siyang gumawa sa Viva Films, nandu’n naman ako.”

Sa takbo ng career ngayon ni Ai-Ai, kailangan niyang makabawi dahil sunud-sunod ang flop niyang pelikula. Kailangang magbalik-tandem sila ni Direk Wenn para kumita uli ang pelikula ng Comedy Queen. Willing naman ang box-office director na makatrabaho niya uli si Ai-Ai. Say ni Direk Wenn, “Sa tingin ko naman sa Marian (Rivera) at Ai-Ai movie, napakamahal lang ‘yung pelikula. Otherwise, kumita siya kung hindi ganu’n kamahal ‘yun. I think P75 million, para maka-break even ka P225 million, break even palang ‘yan. Kunwari naka-P120 million ‘yung pelikula, malaking kita ‘yun. Ang P70-80 million malaki, depende nga lang ‘yun sa budget mo. Kunwari, ang “Maria Leonora Teresa”, naka-P80 million, kumita siya nang husto, bakit? Wala pang P20 million ang kanyang budget. Nasa pag-a-adjust mo ‘yan.”

ADVERTISING

Of course, hindi malilimutan ni Direk Wenn ang mga pelikulang “Tanging Ina” na si Direk mismo ang sumulat nito na pinagsamahan nila ni Ai-Ai. Tumatak ito sa isipan ng publiko kaya nga naging super hit ito sa takilya at naging movie series. “Dapat nga may gagawin ako sa kanya. Hinayaan ko na ang Viva Films ang makipag-usap sa kanya, kay Tito Boy (Abunda). Hindi pa nila ako binabalikan. Sa pagkakaalam ko, 4-5 na pelikula ang gagawin ko for 2015. Dalawang Vice Ganda, Pokwang, at Claudine Barretto,” pahayag ng versatile director.

Kung si Direk Wenn ang tatanungin, gusto niyang isingit ang pelikula ni Ai-Ai this year, kung sakaling makapag-umpisa na siyang mag-shooting. Katuwiran niya. “Kung nasisimulan mo na, umaandar na. May nakahanda na akong pelikula for Ai-Ai na gustong-gusto ng Viva. Hinayaan kong mag-usap sina Tita June (Rufino) at Kuya Boy.”

Inamin ni Direk Wenn na hindi sila nakapag-usap ni Ai Ai dahil nga sa hectic ng schedule nito. Paliwanag niya, “Hindi talaga, nakakaloka ang schedule ko. Bukod sa pagiging director ng teleseryeng “Flordeliza” ngayon, nan’dyan ‘yung may mga anak ako. Kunwari, sasabihin sa akin, meeting tayo for a new project. Kung hindi rin lang ganu’n ka konkreto pa, itutulog ko. Dire-diretso ang taping ko, inaabot kami hanggang 3:00 am. May mga maaga rin naman akong uwi, ‘yun nga lamang malalayo ang location.”

Opinyon ni Direk Wenn sa pagbabati nina Ai-Ai at Kris Aquino sa wedding nina Marian at Dingdong Dantes? “Ako naman ang pinakamasaya. Alam mo naman, ayaw ko ng may kagalit na pareho kong kaibigan. Nu’ng magbati sila, wala na kaming konek ni Kris. During “Praybyet Benjamin”, nagkikita kami dahil kay Bimby kapag nagpupunta siya sa set. Kaya pala parang hindi namin napag-usapan ni Kris.”

Ano ang masasabi ni Direk Wenn sa mga nagsasabing pakitang-tao lang daw ang pagbabati nina Ai-Ai at Kris? “Ibigay natin ‘yun sa kanila. Ako, walang nasabi si Kris sa akin na ganu’n. Wala ring nasabi sa akin si Ai-Ai na ganu’n. Ano’ng malay natin baka sa puso nila ayaw nilang may kagalit, ganu’n. Sa tingin ko, ‘yung dalawang tao ‘yun, ayaw nilang may kaaway, especially si Ai-Ai. Baka nga kaya lumipat ‘yan kasi, ayaw na niyang may threat,” tugon nito.

Hindi naniniwala si Direk Wenn na may kinalaman si Kris sa nalalapit na paglipat ni Ai-Ai sa Kapuso network. “Parang ibang-iba naman yata si Ai-Ai kay Kris Aquino. Hindi naman siguro pag-aari ni Kris ang ABS-CBN at Star Cinema,” wika ng award-winning director.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING