Direk Wenn Deramas, ibinuyangyang ang lovelife sa kanyang libro

ADVERTISING

Direk Wenn Deramas, ibinuyangyang ang lovelife sa kanyang libro

Wenn-DeramasNGAYONG SECOND week ng November ay ilu-launch na ang libro ni Direk Wenn Deramas na ang title ay Direk 2 D Poynt. Isang taon at kalahati raw ito bago natapos at kasalukuyan nang ipini-print.

“Viva ang nakabili ng libro at sa first week ng November ang labas nito. Ilu-launch naman namin ang libro sa second week ng November, kasi aalis ako sandali papuntang States pero babalik ako ng Nov. 10,” balita ni Direk Wenn.

Lahat daw ng gustong malaman ng mga tao tungkol sa kanyang buhay ay mababasa sa Direk 2 D Poynt.

“Buong buhay ko ang nasa libro. Lahat ng mga hindi nila alam. Lahat ng mga haka-haka nila tungkol sa akin… pati lovelife, binigay ko,” kwento pa niya.

ADVERTISING

Pati raw ang tungkol sa lovelife ay nasa libro rin niya.

“Sa lovelife, ibinigay ko ‘yung 100 percent. Kinuwento ko mula umpisa, virginity ko, direct to the point nga, eh. Meron silang mga pangalan at pinainterbyu ko sila para definitely, hindi ako mademanda. Hahaha! Para meron silang partisipasyon. At saka, very vocal and open naman ‘yung iba sa kanila,” pagre-reveal pa ng director ng Wang Fam.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING