Direk Wenn Deramas, gustong gawan ng mainstream movie si Ate Guy

Wenn-Deramas-Nora-AunorIF EVER ididirek ng pelikula ni Wenn Deramas si Ms. Nora Aunor, gusto niya pang-mainstream ito. Sasamahan niya ng mga sikat na artista para maging glossy at titiyakin niyang kikita sa takilya. Matagal na panahon na rin nang huling gumawa si Ate Guy sa Viva Films at Star Cinema. Baka sa pamamagitan ng box-office director, makagawa uli ang Superstar ng pang-mainstream na pelikula.

Mangyayari lang ito kung parehong hindi hectic ang schedule nina Direk Wenn at La Aunor. Ang award-winning director ay kasalukuyang nagsi -shooting ng pelikula ni Pokwang. At the sametime, nagte-taping rin siya ng seryeng Flordeliza ng Kapamilya Network. After niyang matapos ang soap at movie ni Pokwang, sisimulan naman niyang gawin ang pang-Metro Manila Film Festival nina Vice Ganda at Coco Martin ng Star Cinema.

Samantala, si Ate Guy, abala naman sa indie film niyang Kabisera. Pagkatapos niyang gawin ito, isusunod niya ang ang movie project ni Adolf Alix. ‘Yung isang pelikula rito, kukunan sa Pinas at ‘yung pangalawa sa abroad ang location. Bale 5 to 6 indie films ang gagawin ni Ate Guy sa taong ito.

Kung itinakdang mangyayari ang muling pagsasama nina Direk Wenn at Ms. Aunor for the year 2016. Nang makausap namin si Ate Guy, excited ito sa pagbabalik-tandem nila ng versatile director na  siyang nagdirek ng seryeng Bituin ng ABS-CBN.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleDennis Trillo at Jennylyn Mercado, ayaw pa ring bumigay
Next articleClaudine Barretto, inalis na ang mga kanegahan sa buhay

No posts to display