Direk Wenn Deramas, actor sa indie film

Direk Wenn Deramas, actor sa indie film

Wenn-DeramasKAHIT GAANO ka-hectic ang shooting schedule ni Wenn Deramas, hindi ito nakatanggi nang kunin siyang maging actor sa first directorial indie film ni Joey Paras na Wala Na Bang Ibang Title. Bakit kamo? Very challenging kasi ang character na ipo-portray ng award-winning director sa first acting job ni Direk Wenn. Salbaheng pulis ang role na gagampanan niya rito. Na-excite ang box-office director kaya’t gumawa ito ng paraan para maisingit sa kanyang busy schedule ang shooting nito kay Direk Joey P.

Stage actor si Wenn D., bago siya naging sikat na director. Nasa puso pa rin niya ang passion sa pag-arte. Sabi ni Direk Joey P., agad niyang naisip si Direk Wenn for that particular role dahil kakaiba ‘yung character ng pulis. Hindi nagdalawang-salita ang actor/director nang i-offer niya ang movie project na ito sa kaibigang director. Puro take one ang eksena ni Direk Wenn, maganda ang kinalabasan ng bawa’t eksena.

Sa mga nakapanood nga ng full trailer ng Wala Na Bang Ibang Title? nag-marka sa isipan nila ang acting prowess ni Direk Wenn. Maging kami ay naintriga sa takbo ng istorya nito. Kakaiba rin ang portrayal ni Soxy Topacio sa nasabing pelikula. Paligsahan yata ng mga magagaling na director sa aktingan. Curious din kami kung may karapatang maging director si Joey Paras. Huhusgahan ng publiko at mga kritiko kung kasing husay nga siya nina Wenn Deramas at Soxy Topacio bilang director.

Kilala natin si Wenn Deramas na mabait, matulungin at maka-Diyos. As a person, bukas ang palad sa mga kaibigang nangangailangan ng tulong. Marami na siyang natulungan sa labas at loob ng showbiz. Maging kami ay saksi kung papaano niya inaalagaan ang mga taong mahal niya. Binibigyan niya ito ng importansiya at pagmamahal.

Hindi pinagmamaingay ni Direk Wenn ang pagkakawang-gawa niya sa mahihirap. Katuwiran nito, ang pagtulong ay dapat bukal sa puso mo at hindi nangangailangan ng kapalit. ‘Ika nga, i-share ang blessing, ‘yun si Wenn Deramas.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield