Direk Topel Lee, na-challenge na gawing mas suspenseful ang ‘Bloody Crayons’

ADVERTISING

Direk Topel Lee, na-challenge na gawing mas suspenseful ang ‘Bloody Crayons’

Direk Topel Lee, na-challenge na gawing mas suspenseful ang ‘Bloody Crayons’
The cast of Bloody Crayons

BIDA sa Bloody Crayons ng Star Cinema sina Janella Salvador, Elmo Magalona, Jane Oineza, Maris Racal, Yves Flores, Diego Loyzaga, Sofia Andres, Empoy at Ronnie Alonte. Sa dami ng bida, aminado ang director na si Topel Lee na medyo nahirapan siyang i-handle ang cast.

 

“Actually, there was a time na malapit na akong mag-give-up… pero hindi, loko lang, loko lang,”  biro ni Direk Topel.

Kaya nga raw laking pasasalamat niya na in-offer sa kanya ng Star Cinema ang Bloody Crayons.

ADVERTISING

“Actually, talagang grateful din ako kasi naghanap sila ng direktor for this suspense movie at kinuha nila ako.”

Wala rin daw siyang pakialam kung second choice lang siya para idirek ang pelikula.

“I take it as an opportunity pa rin kasi lahat naman kami second (choice) lang except for Yves, Maris and Jane, but the rest, lahat kami baguhan.

“So, nung pumasok ako, medyo challenging na for me dahil that proves na kailangan nila ng tulong to make it more suspenseful. Na-challenge naman ako and very grateful na kinuha nila ako,” kuwento pa niya.

Showing ang Bloody Crayons on July 12 at target ng Star Cinema na mabigyan ng R13 rating from the MTRCB ang pelikula.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING