Direk Roi Vinzon at Kate Brios, panakaw nag-shoot sa Dubai

ADVERTISING

Direk Roi Vinzon at Kate Brios, panakaw nag-shoot sa Dubai

Roi-Vinzon-Kate-BriosSOBRANG NA-INSPIRE si Roi Vinzon sa horror film niyang Maria Labo na launching movie ni Kate Brios kaya pumayag siyang idirek ito. Kahit true-to-life story, wala silang binayarang rights para isapelikula. Ipinakita ni Direk Roi kung papaaano naghigante si Maria sa ginawa sa kanya ng mga pulis. Pinaghiwa-hiwalay nito ang mga katawan bilang paghihiganti sa ginawa nila bago tumakas sa kulungan.

ADVERTISING

Palibhasa, nag-research ang grupo ni Direk Roi bago sinimulan gawin ang pelikula. Sabi nga niya, before the opening of the film, ipakikita niya on the big screen ang mga interbyu sa mga taong nakasaksi at kilala si Maria Labo sa Visayas. Ito’y pagpapatunay na hindi kathang-isip lamang ang alamat ni Maria Labo.

Ang second movie na gagawin ni Direk Roi ay ang “Hari ng Aswang,” last horror film na raw niya ito. Kung sa first horror film niya hindi siya gumamit ng visual effect, this time daw gagamit na siya. “Kasi hindi puwedeng gamitan si Maria Labo, dahil ang istorya niya hanggang du’n lang,” sambit niya.

Masaya at excited si Kate sa launching movie niya. Inamin niyang kinakabahan siya pero malaki ang paniniwala niya sa pelikula na kikita ito dahil sa kakaibang true-to-life story ng isang aswang. Say niya, “Medyo mahirap ‘yung mga eksena ko, pero buong puso kong tinanggap dahil ako ang lead star. Ako, mahilig akong manood ng horror films, pero ang pelikula namin maraming action scenes, drama, at suspense.”

ADVERTISING

Nang mapanood namin ang trailer ng Maria Labo, maganda ang bawat eksena. Sana raw inilahok nila ito sa Cinemalaya Film Festival at Metro Manila Film Festival. Paliwanag ni Mon Confiado, “Hindi intended ito, para independently-produced talaga ito. Ang mga festival kasi, may prosesong dapat mong sundin. Sina-submit mo muna ‘yung script, aprubahan pa nila at sila ang magpo-produce, sa kanila ang pelikula. Ito sa kanya (Kate Brios), ang intensyon talaga nito maliban sa showing nationwide sa Luzon, Visayas, at Mindanao, international film festival rin ang target. Isa-submit nila sa international festival abroad. Mauuna munang i-showing sa Dubai, dahil maraming Pilipino ang nag-aabang na mapanood nila ang pelikula namin.”

Nag-shoot sa Dubai ang grupo ni Direk Roi with Kate dahil doon mismo nangyari ang transformation ni Maria Labo kung papaano siya naging aswang bago siya umuwi sa Pilipinas. More than a week silang nag-stay sa Dubai para lalong maging makatotohanan ang bawat eksena. Tiniis nina Kate at Direk Roi ang init sa nasabing lugar. Ikinuwento ni Direk Roi na panakaw lang silang nag-shoot sa Dubai dahil ang laki ng kanilang babayaran para makakuha sila ng shooting permit.

Kahit may kaba factor si Direk Roi mag-shoot sa Dubai, kailangan niyang gawin. Naglalaro sa isipan niya na baka mahuli sila. Pero buo ang loob ng award-winning actor/ director na tapusin ang mahahalagang eksena ni Maria Labo. “Mahirap, kinakabahan habang nagsi-shoot na baka sitahin kami ng pulis doon at makulong dahil may mga outdoor kaming scenes na kailangang sa pelikula.”

Hindi pa man naipalalabas ang pelikula ni Kate, may follow-up movie agad siya with Christopher de Leon. Ayon sa actress/producer, isang suspense- thriller daw ang susunod nilang movie project with Direk Roi. Kakaririn na daw niya ang pag-aartista, Paliwanag ni Kate, “Dito nga sa Maria na-knockout ko ang baboy, kailangan kasi sa eksena. Ini-enjoy ko naman siya kahit mahirap dahil gusto ko itong ginagawa ko.”

Hindi nangarap o pinangarap ni Kate na maging artista dahil more on hotel business siya naka-concentrate. Wala sa plano niya ang pag-aartista, ngayon raw paninindigan na nito maging actress. “Sana may kumuha sa akin sa pelikula o telebisyon. Hindi lang as a producer, gusto ko ma-experience gumawa ng soap sa Kapamilya at Kapuso Network. As of now, hindi ko alam kung ako’y sisikat…”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING