Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga, sa June 12 na ang kasal?

Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga, sa June 12 na ang kasal?

Paul-Soriano-Toni-GonzagaHINDI PA pala napag-uusapan nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga ang ibang detalye tungkol sa kanilang nalalapit na kasal sa June. Wala pa ring exact date na sinasabi ang direktor.

Basta ayon sa kanya, napaka-significant daw ng June 12 na date kaya sa tingin namin ay ito na rin ang magiging petsa ng kanilang kasal.

“June 12 is our 8th year together. Independence Day din ‘yan,” makahulugan niyang pahayag.

Excited na si Direk Paul sa bagong chapter ng kanyang buhay bilang mister ni Toni. But for now, ayaw muna niyang pag-usapan ang tungkol dito. Nakiusap siya na tungkol muna sa pelikulang Kid Kulafu na tumatalakay sa childhood life ni Manny Pacquiao ang pag-usapan.

“Honestly, I feel that let’s not really talk about that muna. Some other time, if possible. Let’s focus on Kid Kulafu now. We’re a small movie, we need all the promotion we can get, so we can talk about the movie now and we can answer all those things, I guess, in due time,” pakiusap pa niya.

Palabas na ang Kid Kulafu sa April 15 at pinagbibidahan ito ni Buboy Villar. Siya ang gaganap na Manny at si Alessandra de Rossi naman si Mommy Dionisia. Sa direksyon ito ni Paul at produce ng Ten17 Productions and release ng Star Cinema.

NAGING CLOSE sina Direk Paul Soriano at Manny Pacquiao simula nang maidirek ni Paul si Manny sa ilang TV commercials na ginawa nito. Si Paul din ang pinagkatiwalaan ni Manny na isapelikula ang buhay niya kaya nabuo ang Kid Kulafu na showing na nga sa April 15.

Magkaganu’nman, kahit na very close si Direk Paul kay Pacman, hindi pa rin ito sigurado kung mapapanood niya sa loob mismo ng arena ang laban ng Pambansang Kamao kay Floy Mayweather sa May 3.

“I’ll denitely be there to support Manny. If I get into the arena, that would be a great blessing but I’m gonna be there in Las Vegas to watch, whether or not I’d get to sit in the arena or not, it doesn’t matter. What matter is Manny sees my support for him, because he’s just been such a great blessing to this project, and it’s something I wanna do in return,” pahayag ng direktor ng Kid Kulafu.

Hanggang ngayon, pahirapan pa rin sa pagkuha ng tiket sa naturang laban at maging si Pacman ay hindi rin alam kung nasaan ang mga tickets.

“Mayweather is controlling everything. I think, the only difference is Mayweather may be controlling everything now but on May 3, Manny will knock him out and he will be the boss,” very confident na pahayag ni Direk Paul.

La Boka
by Leo Bukas