Direk Paul Soriano, suko hanggang langit ang pag-ibig kay Toni Gonzaga!

ADVERTISING

Direk Paul Soriano, suko hanggang langit ang pag-ibig kay Toni Gonzaga!

Direk Paul Soriano, suko hanggang langit ang pag-ibig kay Toni Gonzaga!MALIBAN SA PAGIGING boyfriend ni Toni Gonzaga, kilala si Direk Paul Soriano bilang isang magaling na direktor ng mga music videos ng mga bigating singers sa bansa at ng mga inspirational films gaya ng A Journey Home (starring Toni) at Thelma na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Naalala ko ang kuwento noon ni Toni about Direk Paul during the shooting of A Journey Home. Perfectionist daw ang kanyang boyfriend dahil retake nang retake. Minsan daw ay sinabi niyang, “Ano ba ‘yan okay na kasi ‘yun!” Aba sinagot daw siya nito ng, “’Pag ibang direktor ba, nagrereklamo ka?” Kaya sa bandang huli ay sinabi ni Toni na joke lang iyong nasabi niya sa kanyang boyfriend/director.

Pero sa likod ng mga nagkikislapang kamera ay sino nga ba si Direk Paul sa mata ng kanyang mga kaibigan at pamilya? “Paul is like my brother that I never had. He extends invitation to family gatherings. He treats me like I am part of the family. He is a very thoughtful and loyal friend,” sabi ni kanyang childhood friend na si Mark Victor.

Close si Direk Paul sa kanyang mga kapatid na sina Parker at Philip. Sabi naman ng kanyang ama na si Direk Jeric, “He will not also listen to your words but also he will listen to your heart. What makes Paul happy is when he sees that his mother and me are happy. Paul will drop everything if you need him. He wants your life to be good and to be well. Whatever he can do for you to achieve that, he will do that for you. That’s my son!”

ADVERTISING

Mabait naman talaga si Direk Paul kaya bo-tong-boto sa kanya ang pamilya ni Toni. Hindi ba’t Toni’s father, Mr. Carlito Gonzaga, prays na sana silang dalawa ang magkatuluyan sa bandang huli?

Bilib ako sa tibay ng relasyon ng dalawa. They have been together for four years. They bring out the best of each other. Kung boss si Direk Paul sa set ay iba naman ang ihip ng hangin kapag ang relasyon nila ang pag-uusapan. Boss daw niya si Toni. Direk Paul loves her so much that he’s willing to wait for her kahit abutin pa ng tatlong taon ang kanyang paghihintay. Pero sabi nga ng isang ka-sabihan, kung may tiyaga ay may nilaga. Ang mahalaga ay mahal nila ang isa’t isa at masaya sila kapag magkasama.

Kung gusto ngang magpakasal ni Toni sa Taytay, payag daw si Direk Paul na magpakasal sila roon. He’ll leave everything to Toni. Sabihin lang daw sa kanya kung anong oras at saan, asahan mong siya ay magpapakita. “For me talaga the wedding is about her. I’ll just be there,” Direk Paul said.

Hay, ang pag-ibig nga naman.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING