Direk Olivia Lamasan, next Aga Muhlach daw si Daniel Padilla

ADVERTISING

Direk Olivia Lamasan, next Aga Muhlach daw si Daniel Padilla

Direk Olivia Lamazan With Boy Abunda
Direk Olivia Lamazan With Boy Abunda

Bongga si Daniel Padilla, huh!

ADVERTISING

No less than Director Olivia “Inang” Lamazan ang personal na nagbitaw ng statement sa interview sa kanya last night sa “Tonight with Boy Abunda” na si Daniel na artista niya sa pelikulang “Barelona” ng Star Cinema will be the next Aga Muhlach.

Yes, Sa dinami-dami ng artistang lalaki sa kuwadra ng Kapamilya Network, dapat maging proud si Daniel sa papuri ni Direk Olive sa kanya.

Aminado ang binata na ilang beses din siyang sinabon ni Direk sa mga eksena niya sa pelikula, pero nairaos naman niya ang mga ito. Sabi ni Daniel, aminado siya na hirap siya at nabubulol sa mga eksena na kailangan niyang i-deliver in English.

ADVERTISING

Sabi ni Direk Olive, faney siya ng tambalang Daniel at Kathryn Bernardo. Sa kilig scenes ng dalawa sa pelikula, kadalasang siya ang unang-unang nagre-react kapag pa-tweetums na ang eksena ng dalawa.

Sa mga nakapuna, ibang level na raw ang “kilig” ng KathNiel sa bagong nilang pelikula na showing na sa September 14.

Pahayag ng batikang director, “Parang iba na ‘yong level ng kilig nilang dalawa (KathNiel). Iba na.”

Ayon kay Direk Olive based sa panayam ni Kuya Boy last night sa TWBA, “the chemistry between Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in the film is very palpable.”

“Mataas ang sexual tension!” she exclaimed. “They have matured, naging mama na sila at dalaga.”

Sabi ni Direk Olivia, si Katyhryn daw ay maihahalintulad niya sa isang butterfly. “Si Daniel on the other hand is, the man to watch out for. He is to me the new Aga Muhlach— with an Adonis face and a great acting prowess. He’s a gifted soul, Boy. Revelation siya sa akin sa pelikulang ito.”

Si Daniel nga pala, nakabalik na from New York last night after ng successful show ng ASAP New York last weekend.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING