Direk, nagbayad ng full downpayment sa kotse ng hunk model-actor

ADVERTISING

BLIND ITEM: Ang pagiging late ng isang hunk model-actor sa isang taping prompted the program staff to validate kung totoo nga ang kanyang ikinatwirang dahilan for his tardiness.

Ayon kasi sa modelong aktor, inikut-ikot daw siya ng kanyang sinakyang taxi, bagay na pinagdudahan ng staff. Yes, wala pa siyang naipupundar na sasakyan.

ADVERTISING

Sa kanilang pag-iimbestiga, napag-alaman ng staff na kaya pala siya na-late sa taping ay dahil galing ito sa isang bilihan ng mga sasakyan. Yes, the hunk model-actor acquired a brand-new car na kailangang bayaran ang full downpayment na umabot sa halagang P300,000.

Pero ang catch dito, hindi mismong pera ng modelong aktor ang ipinambayad sa hulugan niyang kotse. And whose money?

Kasama na naimbestigahan ng staff na noong araw na nag-down ang hunk model-actor ay kasama niya ang isang TV director who insisted na siya ang magbayad ng full DP. Teka, hindi ba’t straight si Direk? In fact, nagkaroon siya ng nobya noon who’s now happily married.

ADVERTISING

Pero ayon sa staff, confirmed: direk is a certified bading. Regardless. Ang nakakaloka ay ang halagang pinakawalan niya.

Ganu’n ba kamahal ang presyo ng modelong aktor na itago na lang natin sa alyas na Ignacio Fabregas?

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING