Direk Maryo J, malulungkutin at laging umiiyak bago pumanaw

ADVERTISING

Direk Maryo J, malulungkutin at  laging umiiyak bago pumanaw

Direk Maryo J, malulungkutin at  laging umiiyak bago pumanawIPINAGTAPAT ni Orlando Sol, ang isa sa talents ni Direk Maryo J delos Reyes na napansin niyang palaging malungkot noon ang director at lagi ring umiiyak bago ito pumanaw. Tila masyado pa rin daw dinamdam ni Direk Maryo ang panaw ng matalik niyang kaibigang scriptwriter na si Jake Tordesillas.

ADVERTISING

“Gusto lang niyang magpakasaya kasi malungkot talaga si Direk, eh. Actually, bumuo si Direk ng grupo sa Face mula sa grupo namin, kami nina Cong. Yul (Servo) na tinawag niyang “heartfelt group.” Kami yung laging kasama ni Direk most of the time para i-comfort si Direk, samahan siya.

“Tapos, gusto niya laging masaya. Ayaw niya ng malungkot. Pero yon nga, minsan bigla na lang siyang umiiyak sa bonding namin, bigla na lang siyang humahagulgol.

“Siguro pinipilit niyang magpakasaya sa pagkawala ni Tito Jake, pero deep inside siguro sa kanya, nando’n pa rin yung pain. Ayaw niyang mag-isa, gusto niya laging may kasama. Gusto niya laging nasa labas,” kuwento pa ni Orlando.

ADVERTISING

Ngayong wala na ang kanilang manager ay hindi pa raw nila alam kung ano ang kanilang gagawin.

Aniya, “Sa ngayon po hindi ko pa po alam kung anong mangyayari po sa amin, eh. Parang napilayan kami. Nawalan kami ng ama, nawalan kami ng kakampi.”

Nalulungkot naman si Orlando na wala siya sa tabi ng director nang binawian ito ng buhay.

“Naiinis ako sa sarili ko kasi wala ako do’n. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa akin. Hindi man lang kami nagkausap. Sana magparamdam siya sa akin,” bulalas pa ng singer-actor.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING