Direk Louie Ignacio, nawindang sa mga palpak na bintang ng ilang bashers

ADVERTISING

Direk Louie Ignacio, nawindang sa mga palpak na bintang ng ilang bashers

Director Louie Ignacio with stars of Area - Allen Dizon and Ai Ai delas Alas
Director Louie Ignacio with stars of Area – Allen Dizon and Ai Ai delas Alas

 Tawa lang nang tawa ang award-winning direktor na si Louie Ignacio nang usisain namin ukol sa ginanap na 2016 Miss World Philippines na umere sa GMA-7 two Sundays ago.

ADVERTISING

Sa press preview ng pelikulang “Siphayo” na pinagbidahan ni Nathalie Hart, nilinaw namin ni katotong Roldan Castro kay Direk Louie kung siya ba ang director nito, dahil may mga pumupuna na sablay ang direksyon dito. Halatang low budget daw, ang production value ay halatang tinipid, etcera.

Sinabi naman ni Direk Louie na hindi siya ang director nito dahil kagagaling lang niya sa 12th Eurasia International Film Festival sa Almaty, Kazakhstan, kung saan nanalo ang pelikula niyang “Area” ng Special Jury Prize award.

“Kakarating ko lang from Kazakshtan, daming bashers and texts kesyo palpak daw ako sa pagkaka-direk ko ng Miss World, kitang-kita sa TV directions ko that night…

ADVERTISING

“Ang ginawa ko na lang, hindi ko na pinagsasasagot ‘yung mga text. Deadma lang dahil wala akong kinalaman sa production ng Miss World. Kasi this year, Viva Entertainment ang humawak. Basta ayaw kong mag-comment, kasi bawat direktor may kanya-kanyang style at kailangan naming respetuhin ang bawat isa. Nasa mga nakapanood na ang bahalang magkomento,” esplika ni Direk Louie.

Samantala, maituturing na isa si Direk Louie sa most awarded indie director natin ngayon, dahil mula nang sumabak sa indie films, lahat ng pelikulang ginawa niya ay nanalo ng awards. Bukod sa “Area”, ang mga pelikulang ginawa ni Direk Louie na nanalo ng awards ay ang “Asintado”, “Child Haus”, at “Laut”. Ang huling dalawa at ang Area ay kapwa mula sa BG Productions ni Ms. Baby Go.

Ano ang masasabi mo sa panalo ng “Area” sa 12th Eurasia International Filmfest?

“Isang prestihiyosong international film festival ang Eurasia, mahirap makapasok ang pelikula rito. Piling-pili at 13 lang ang kailangang pumasok sa main competition at five major awards lang ang ibinibigay sa awards night kaya parang nasa freezer ang pakiramdam namin noong award’s night.

“Biruin mo five awards lang, tapos 2nd to the last ang Jury Prize at may pagkahahabang explanation in Russian language about the film na mananalo. Tapos tinawag ng Jury ang ‘Area’ directed by Luisito Lagdameo Ignacio at habang binabasa ‘yung citation ay hawak ko ‘yung rosary ko, tapos ayun na at nagsusumigaw na ang buong Team Area. Si Ai Ai (delas Alas), napaiyak, sobra!

“Three directors and films pa lang ang nakapapasok sa main competition, namely, Brillante Mendoza, (Aureus) Solito, and Ignacio para sa mga pelikulang ‘Tirador’, ‘Busong’, and ‘Area’,” esplika pa ni Direk Louie.

Pahabol pa niya, “During the screening, napakaraming journalists and critics ang nag-attend sa full house world premiere namin. Mas marami ang papuri kaysa sa mga tanong during the Q and A after the screening. Noong ipinakilala ko ang buong cast pagbukas ng ilaw, sobrang walang patid ang palakpakan, nakaiiyak!

“Na-witness ko lahat ng screening sa competition, pero sa ‘Area’ ako naka-experience nang nag-iiyakan, habang nagpapalakpakan. Lalo na nang makita nila si Hillary na siyang character ni Ai Ai sa ‘Area’. Grabe ang yakap at selfie sa kanya at hindi siya makalabas ng theater sa rami ng nagpapa-picture. At pati mga lalaking Kazaksh, makikita mong umiiyak dahil sobrang effective ang pagkakaganap ni Ai Ai sa ‘Area’.

“‘Di ko ma-explain ang pagtanggap pati kay Allen Dizon, na ‘di naman maikakaila ang galing niya sa pagganap sa Area. Ang galing nilang dalawa, sa wikang Filipino, ito ang ilan sa naging comments ng critics and journaslists: ‘Di namin nakita ang sex, nudity at prostitution… ang nakita namin ay mga babaeng may kanya-kanyang problema pero may dignidad.’ ‘Di namin nakita ang isang prostitute…. ang nakita namin ay isang ina na labis na nananabik at nagmamahal sa kanyang nawawalang anak.’ Naiyak ako roon, kasi para maintindihan nila ang gustong ipahatid ng ‘Area’, nakatataba ng puso.”

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING