Direk Lauren Dyogi bagong head ng Star Magic

ADVERTISING
Leo Bukas

PORMAL nang inanunsyo ng ABS-CBN ang pagtatalaga kay Laurenti Dyogi (Direk Lauren) bilang bagong Head ng Star Magic simula Enero 1, 2021 kapalit ni Mariole Alberto.

Kasunod ng mga pagbabago sa kumpanya dahil sa patuloy na pagbabawas ng manggagawa, magpapaalam si Mariole Alberto sa ABS-CBN sa Disyembre 31, 2020.

ADVERTISING
Direk Lauren Dyogi bagong  head ng Star Magic
Direk Laurenti Dyogi

Naging mahalaga ang papel ni Mariole sa pagtutuklas at paggabay sa mga pinakasikat na artista sa bansa ngayon at sa tagumpay nila.

Kinikilala at pinasasalamatan ng ABS-CBN ang maraming kontribusyon nina Mariole at Johnny Mahahan o “Mr M” sa kumpanya, Star Magic, at sa industriya.

Tinitiyak din ng ABS-CBN na patuloy na itataguyod ng Star Magic Artists ang mga kaugalian, makabuluhang aral, at malasakit na sinimulan nina Mr. M at Mariole.

ADVERTISING

Pangungunahan naman ni Lauren, kasama ang Star Magic team, ang pagtutuklas, paggabay, at pagma-manage ng mga artista. Patuloy rin silang maghahanap ng mga oportunidad na babagay sa mga Star Magic artist.

Ang bagong tungkulin ni Lauren ay dagdag pa sa posisyon niya bilang Head ng Entertainment Production.

ADVERTISING