Direk Jun Lana, sinisiguro na may kuwento ang mga ginagawang pelikula

ADVERTISING

Direk Jun Lana, sinisiguro na may kuwento ang mga ginagawang pelikula

Direk Jun Lana
Direk Jun Lana

Masaya si Direk Jun Lana sa naging pagtanggap ng audience sa pelikulang “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?” na idinirek niya sa Viva Films na ni-line produce naman ng kumpanya nila ni Perci Intalan na IdeaFirst.

ADVERTISING

Ang pelikula na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros, at Dennis Trillo ay showing n angayon at nagkaroon ng jampacked premiere showing noong Tuesday, Oct. 18.

Ayon sa director, kahit gay-themed ang pelikulang ginawa niya, meron naman daw itong kuwento.

“Siyempre, meron naman. Kailangang panoorin ninyo para makita ninyo ‘yung kuwento no’n. And as a Palanca hall of famer na gumagawa ng mga scripts, I make sure naman po na ang mga ginagawa kong pelikula ay may kuwento,” sabi pa niya.

ADVERTISING

Pero hindi raw dapat mag-expect ang publiko na artistic ang pelikula.

“It’s a comedy, eh, so you don’t have to take it so seriously. Ang pelikulang ito ay rom-com, ang ibig sabihin nito kung manonood ang tao, mag-i-enjoy sila, kung gusto nilang kiligin, kikiligin sila. ‘Yun ‘yung pelikula namin,” dagdag pa ng director.

Sa tanong kung bakit sa palagay niya ay nauuso ang ganitong mga pelikula, sey ni Direk Jun, “Siguro mas liberal tayo, mas may pagtanggap kaya mas maraming materials na ganito.”

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING