Direk Joyce Bernal, walang pagsisisi sa pagtanggi sa movie nina Vic Sotto at Kris Aquino

ADVERTISING

Direk Joyce Bernal, walang pagsisisi sa pagtanggi sa movie nina Vic Sotto at Kris Aquino

Direk Joyce Bernal, walang pagsisisi sa pagtanggi sa movie nina Vic Sotto at Kris AquinoWALANG PAGSISISI si Joyce Bernal kung tinanggihan niya ang pelikula nina Kris Aquino at Vic Sotto na pang-Metro Manila Film Festival. Mas nauna raw niyang nasagutan ang pelikula nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Nauunawaan naman daw ng Queen of All Media si Direk Joyce.

ADVERTISING

Sabi ni Kisteta, ni-request daw kasi ni Bimbi na ang box-office director ang magdirek. Magkaibigan kasi ang dalawa at malapit si Bimbi kay Direk Joyce kaya mas relax ito at makakaarte kung siya ang director.

Kung natuloy si Direk Joyce na idirek ang pelikula nina Vic At Kris, malamang ‘yung mga eksena lang ng host-actress at ni Bimbi ang ididirek niya. Ever since, si Tony Reyes ang forever director ng magaling na comedian sa lahat ng kanyang mga pelikula.

Ibinalita ni Direk Joyce na forty percent na raw ang nakukunan niya sa pelikula nila ni Robin. Happy siya sa kinalabasan nito. Nakatakda rin silang mag-shoot sa Europe, tatapusin lang niya ‘yung mga mahahalagang eksena nina Binoe at Mariel at ibang cast dito sa atin.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING