Direk Joey Reyes, inspired daw sa sariling buhay ang pelikula nina Carla Abellana at Tom Rodriguez

ADVERTISING

Direk Joey Reyes, inspired daw sa sariling buhay ang pelikula nina Carla Abellana at Tom Rodriguez

Joey-ReyesKUNG TAMA ang alaala ko, si Direk Jose Javier Reyes aka Joey Reyes ang isa sa mga cool na cool film director na nakilala namin. Sa maraming pagkakataon na nakasama namin siya sa mga out of town shoot noon ng mga pelikula ng mga alaga ni Tito Dougs, aliw kami kay Direk Joey sa mga tsika at mga anektoda niya.

ADVERTISING

Kaya nga during the media launch ng pelikulang No Boyfriend Since Birth or NBSB for short, feeling in love at insipired si Direk. Siyang-siya nang maupo siya sa umpukan namin ng mga halos nakasabayan din niya sa showbiz 20 or more years. The usual Direk Joey. Kapag nakakatawa ang kuwentuhan ay hahagalpak siya ng tawa. Aliw nga siya, daming kuweto.

“Inspired sa akin ang kuwento ng pelikula nina Tom (Rodriguez) at Carla (Abellana),” pagdidiin niya na sinundan ng halakhak.

Kung tama ang hinala ko, siya yata ang nagpauso ng mga pelikulang romcom noon. Hindi ko na maalala kung ilang mga movies ‘yun na pagkatapos nating panoorin sa mga sinehan, sa isipan natin, naiwan ang pangarap na sana ikaw rin si Claudine Barretto na sinuwerte sa kanyang pag-ibig o ‘di kaya’y ikaw si Richard Gomez na nagwagi sa kanyang pag-ibig sa kaparehang bida.

ADVERTISING

Nakaka-miss ang mga tulad ni Direk Joey who keeps himself busy aside from doing film ay ang pagtuturo. Nami-miss niya ang kaibigang Judy Ann Santos na minsan na niyang nakasama sa ilang pelikula. “I want to do movies ng mga tulad niya (Juday),” kuwento ni Direk Joey.

First time niyang naidirek sina Tom at Carla na para sa kanya, maganda ang chemistry ng dalawa. ‘Yun nga lang, ang dalawa, tila super private sa kanilang almost one year relationship (kung relasyon mang matatawag) na walang label at kumpirmasyon.

Pero si Direk Joey, dahil magaling tsumika at itawid ang kung ano man ang gusto niyang iparating sa mga kausap (tulad ng mga pelkula niya na naitatawid niya ang mensahe sa simpleng paghahabi ng mga eksena at salita), ipinaliwanag niya kung ano man meron sina Tom at Carla, ayon sa kanyang obserbasyon at pagkakakilala sa dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING