Direk Joel Lamangan, ratsada sa paggawa ng pelikula matapos magkasakit

ADVERTISING

Direk Joel Lamangan, ratsada sa paggawa ng pelikula matapos magkasakit

Joel-LamanganRATSADA NA naman sa paggawa ng pelikula si Direk Joel Lamangan. After niyang gawin ang Felix Manalo sa Viva Films na palabas pa rin hanggang ngayon, tinapos na rin niya ang pelikulang Sekyu ng BG Productions na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Sunshine Dizon.

ADVERTISING

The other day, humarap ulit sa press si Direk Joel para naman sa media announcement ng bago niyang pelikula sa BG Productions ni Madam Baby Go titled Tres Marias na si Racquel Villavicencio ang scriptwriter.

Noon pa dapat gagawin ang pelikula kaya lang dahil naging sobrang busy nga si Direk Joel after niyang magkasakit, kaya nahinto muna ang pre-prod para sa Tres Marias.

Bida sa Tres Marias sina Barbara Miguel, Angeline Nicole Sanoy, at Therese Malvar. Istorya ito ng tatlong teenager na sabay-sabay na nabuntis sa kanilang lugar.

ADVERTISING

Bukod sa Tres Marias, gagawa rin ng isang romcom si Direk Joel sa BG Productions na posibleng pagbidahan naman ni Melai Cantiveros at ng isang hunk actor.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING