Direk Joel Lamangan, masaya sa casts ng kanyang bagong beki movie

ADVERTISING

Direk Joel Lamangan, masaya sa casts ng kanyang bagong beki movie

Direk Joel Lamangan
Direk Joel Lamangan

Basta pelikula tungkol sa mga bakla at positibo ang magiging imahe nila, asahan n’yo na all-out ang suporta ko.

I remember ‘yong pelikulang “Pusong Mamon” nina Lorna Tolentino at Eric Quizon under the direction of Joel Lamangan ay hinawakan pa namin ang isang promotional event noon na ginanap sa SM Megamall.

Yes, I admit that I am a supporter of LGBT’s advocacy and concerns. Basta para sa mga kafatid at para sa isang positibong imahe ng mga bading sa lipunan, asahan n’yo na suportado ko.

Sa mga Pride March at gay events, bago ako naaksidente, asahan mo, nandu’n ako. Hindi man nagma-martsa para isigaw ang equality at kalayaan para sa mga LBGT, nasa gilid lang ako nagmamasid at nagpupugay sa mas bata sa akin na keri pa ang maglakad nang ilang kilomentro para iwagayway ang Rainbow Flag.

ADVERTISING

Kaya nga natuwa ako nang mapanood ko ang trailer ng bagong beki movie na produced ng Regal Films na “That Thing Called Tanga Na” na dinirek ni Joel Lamangan, na direktor din ng “Pusong Mamon”, “Manay Po 1 & 2”, at “Happy Together” na lahat ay tumalakay sa kuwento ng mga beki at ang kanilang mga pangarap at pag-ibig.

After watching the full trailer of the film last night sa grand presscon, laugh trip at happy feeling ang naging epekto sa akin ng pelikula.

Si Angeline Quinto na isang magaling na singer, mapanonood mo na magko-comedy at swak na swak sa karakter niya. ‘Di nga ba’t sa pelikulang “Beauty in the Bottle” with Angelica Panganiban, without exerting an effort ay aliw si Angge sa kanyang role.

May tiwala naman kami kay Direk Joel na hindi niya babalahurain ang imahe ng isang bading sa pelikula. May tiwala naman kami kay Direk na positibo ang magiging imahe ng mga beki sa bagong niyang pelikula. Kaya mga kafatid, gorah na sa mga sinehan sa August 10.

Tulad ko, excited ako na mapanood ang kabuunan ng pelikula. Bukod kay Angeline, makasasama rin bilang mga magkakaibigang beki sina Kean Cipriano, Eric Quizon, Martin Escuedero, at Billy Crawford na susuportahan naman ng cuties na sina Marco Gumabao at Ken Alfonso.

“Basta ako, happy ako sa casts ko. Happy kami lahat at ‘yun ang importante,” sabi pa ni Direk Joel.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING