Direk Joel Lamangan, ‘di naniniwala sa same sex marriage

Direk Joel Lamangan, ‘di naniniwala sa same sex marriage

Joel-LamanganOPEN-SECRET SA showbiz ang relasyon ni Direk Joel Lamangan sa aktor na may initials na J.P. na palagi ring kasama sa mga ginagawa niyang pelikula. At ayon sa magaling na direktor, 33 years na ang kanilang relasyon.

“Thirty three years na kaming magkasama, ano pa bang hahanapin ko? Parang magkapatid na lang kami. Kapag 33 years na kayong magkasama, wala na, iba na ‘yung dimension,” sey pa niya.

Wala ba silang balak magpakasal na katulad ng iba?

“Ay, ayoko. Hindi ako naniniwala sa kasal ng lalaki sa kapwa lalaki. Hindi ako naniniwala sa piece of paper,” tugon agad niya.

Wala ring balak mag-ampon ang direktor.

“Natatakot akong mag-alaga ng bata dahil buhay ‘yon. Pero napakarami kong aso. Ano mang mangyari sa aso, wala akong burden. Eh, ‘yung bata, lalaki ‘yan, at natatakot ako. Kasi nakakita ako ng mga kaibigan kong nag-ampon-ampon, pero sa huli, tinakwil-takwil din sila ng mga inalagaan nila dahil nalaman nilang bakla sila. ‘Yung iba, nasira ang ulo, nag-drugs,” katuwiran pa niya.

Si Direk Joel ang direktor ng pelikulang Your Place Or Mine ng Viva Films na palabas na ngayon sa mga sinehan at pinagbibidahan nina Andi Eigenmann, Bret Jackson, at Andre Paras.

La Boka
by Leo Bukas