Direk Gina Alajar, kinailangang habaan ang pasensiya sa serye

Direk Gina Alajar, kinailangang habaan ang pasensiya sa serye

Gina-AlajarINAMIN NI Gina Alajar na kailangan niya ng mahabang pasensiya para maging maayos ang bawat eksena ng Yagit.

“Hindi naman natin kasi maiiwasan na mga bata ‘yan at ngayon lang umarte at humarap sa camera. Natural na may minsang pagkakamali. Kaya kailangang mahaba ang pasensiya.

“Naninigaw ako pero hindi ako nagmumura ng tao. Kapag galit na ako, may inuutusan akong tao para iparating na galit na ako talaga. Okey naman at nagagawa nila nang maayos ang hinihingi ng istorya,” say ni Direk Gina.

When asked kung saan magse-celebraten ng Christmas si Direk?

“Dito lang. Magdi-dinner kami sa bahay ni Ryan. Malaki ‘yun. Mga 35 to 40 persons. Parating kasi ang partido ng wife ni Ryan from Australia. Partido namin. Taun-taon kasi ‘yan nagbabalik bansa, partido ng babae.

“Wala na ‘yung taga-Las Vegas. Umalis na. Nandito naman ang dalawang apo ko,” say pa ni Direk Gina.

Sayang nga lang at may itatanong pa kami tungkol kay Geoff. Gutom na si Direk at marami pa silang eksenang kukunan kaya nagparaya na kami para magpaalam.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo