Direk Enzo Williams, gustong maidirek sa pelikula si Nora Aunor

Direk Enzo Williams, gustong maidirek sa pelikula si Nora Aunor

John-Fontanilla-Enzo-WilliamsBIGGEST FAN pala at willing makatrabaho ng PMPC Star Awards for Movies 2015 Best Director via Bonifacio: Ang Unang Pangulo, na siya ring tinanghal na Best Picture, na si Director Enzo Williams ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor.

Pag amin ni Direk Enzo, isang malaking karangalan daw sa kanya ang lapitan siya ng kanyang idolong si Ate Guy at i-congratulate sa kanyang pagkakapanalo.

Isa nga raw si Ate Guy sa mga artistang kanyang gustong idirek sa kanyang mga susunod na pelikula. Sa ngayon ay punung-puno ang kalendaryo ni Direk Enzo sa dami ng trabaho na kanyang gagawin mapa-pelikula at telebisyon, under Star Cinema, kung saan isang action movie ang kanyang gagawin at isang teleserye naman sa ABS-CBN.

Bukod pa sa kanyang mga pelikulang gagawin sa kanilang bagong tatag na film outfit ni Ms. Rina, ang isa sa mga producer ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

John’s Point
by John Fontanilla