Direk Dan Villegas, nasorpresa sa chemistry nina Gerald Anderson at Arci Muñoz

ADVERTISING

Direk Dan Villegas, nasorpresa sa chemistry nina Gerald Anderson at Arci Muñoz

Direk Dan Villegas, nasorpresa sa chemistry nina Gerald Anderson at Arci MuñozNa-surprise si Direk Dan Villegas sa combination nina Gerald Anderson at Arci Muñoz nang first time niya makita ang dalawa. Nakita na lang niya ang chemistry nila nang magsimula na silang magtrabaho para sa pelikulang “Always Be My Maybe” ng Star Cinema. It’s a romantic comedy with a twist na nangyayari ngayon.

ADVERTISING

Bukod sa mga kilig scene nina Arci Muñoz at Gerald Anderson sa pelikula, may lust ding makikita sa kanila. Sabi nga ni Direk Villegas, “Dapat totoo ‘yung mga scenes kapag pinapanood siya ng mga tao. May ganyan din akong experience sa mga eksena sa pelikula.”

Inaasahan ni Direk Villegas na sa bawat project na ginagawa niya, nakare-relate ang audience sa bawat character na pino-portray ng kanyang mga artista. Katuwiran niya, “‘Yun nga, naging madali para sa akin dahil alam nina Arci at Gerald ang role na ginagampanan nila pareho. Before kami mag-shoot, pinag-uusapan muna namin ang scene na kukunan. Mas matagal pa nga ‘yung pag-uusap kaysa sa actual shooting.”

Super na nag-enjoy sina Arci at Gerald working with Direk Dan. Para raw silang hindi nagtatrabaho. “Magaan, sobrang gaan… ‘Yung mga eksena namin ni Arci para lang kaming nag-uusap kaya iba ‘yung experience. Iba ‘yung lalaki ang director mo, iba ‘yung pinagdaanan ni Direk sa buhay niya, ang galing ni Direk Dan,” say ni Gerald.

ADVERTISING

Happy si Direk Dan na si Arci ang naging leading lady ni Gerald, deserving naman ang dalaga. “I really work hard for this. It’s not just 24 hours na success for me. I’m here for almost 9 years, I transfer in different network and finally, ABS give me this big opportunity, this chance. We’ve been working so hard pero sinasabi ko nga, all the hardwork , we converted to prayers. Basta gagawin lang namin ‘yung trabaho nang tama and also to entertain and to make people happy. Kami, at the end of the day, alam namin, we’re satisfied, happy sa trabaho ginawa namin. It’s for the audience to appreciate,” pahayag ng sexy actress.

“In a very short time, ang dami kong natutunan sa pelikulang ito. Everytime na ididirek kami ni Direk Dan. He always asked our opinion. Mayroon din kaming input na nailalagay. Ang gusto ni Direk, lumabas siyang makatotohanan, walang arte. Everytime na may eksena kami ni Gerld, sinisiguro namin, hindi kami umaakting. Very natural ang gusto ni Direk sa bawat eksena,” sambit pa ni Arci.

Para kina Arci at Gerald everytime na mayroon silang movie assignment, kailangang may collaboration ng bawat isa with the director. Tulung-tulong sila para maging realistic ito sa paningin ng manonood. “Ang importante ay nag-uusap- usap kaming lahat, si Direk ‘yung team captain kung saan kami dapat pumunta. Nasa director ang ikagaganda ng isang pelikula,” turan ng actor.

Pawang papuri ang binitawang salita ni Gerald sa kanyang leading lady. Sobrang down-to-earth daw ang dalawa at masarap kasama. Parang naging madali sa actor ang lahat ng eksena dahil sa pagiging natural umarte ni Arci. Say ni Gerald,  ‘Kung papaano siya ngayo, ganyan talaga siya. Except sa isang eksena na nag-date kami, nakatulog si Arci dahil sa pagod.”

Naniniwala si Arci na dapat mayroong good communication, hindi lang sa artista, director, pati na rin sa writers. Kailangan, cooperation as a team para maganda ang kalalabasan. “Hindi lang ‘yung opinyon ng mga artista ang kinukuha ni Direk Dan. Lahat ng tao sa paligid nila ay  tinatanong nito.

Matagal na palang pangarap ni Gerald na mai-direk siya ni Dan Villegas. Amazing para sa kanya makatrabaho ang blockbuster director. Nasanay kasi ang actor na puro gay/ female directors ang madalas niyang director. Malaki raw ang pagkakaiba kapag lalaki ang director. Say ni Gerald, “‘Yung emotion ng isang lalaki, alam niyang lahat. Actually, first time kong na experience ang ganito.”

Dream come-true at super excited si Arci working with Direk Dan. Sobrang nag-enjoy ang actress katrabaho ang box-office director. Hindi nga raw ito makapaniwalang napili siya ng Star Cinema for this movie.

 

Memorable experience ni Arci with Gerald while doing the film. “He’s so gentleman. I’m not wondering why girls fall for him. Lagi niya akong pinapakain kapag may love scene kami. Every time na may shooting kami, nagpapakain siya sa buong production, very generous. Si Gerald nagda-diet talaga siya, ang ganda ng katawan niya.”

‘Yung pagiging totoo ni Arci kaya naging madali ang trabaho para kina Gerald at Direk Dan. Binuking nga ni Direk na may wild love scene sina Gerald at Arci at hindi lang isang beses ang kanilang lovemaking.

Ikinuwento ni Gerald ang love making nila ni Arci. “Isang buong araw ‘yun lang ang kinunan, love scene namin ni Arci. She’s so great, ang ganda niya. Ang galing niya, ‘yung sexiness, talagang oozing at mararamdaman ito ng lahat. Ito ‘yung pinaka-intense na love scene na nagawa ko at pinakamatagal.”

Napag-usapan din ang experience ni Gerald about love, may konek ito sa title ng pelikula nila ni Arci. Sa kaso ni Gerald, palagi ba niyang pinaaasa ang mga nakarelasyon? Diretso sagot ng hunk actor. Nagpakatotoo sa sarli, “Hindi ko alam…  Ayaw ko namang maging unfair sa mga involved, kasalanan ko, kasalanan ko lagi. Kumbaga, nangyari, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng maybe.”

If ever, manligaw si Gerald kay Arci, malaki raw ang chance na maging sila kung wala siyang dyowa. “Why not? Nasa kanya ‘yung mga katangian na hinahanap ng isang babae. Hindi bola ‘yan, totoo, nagulat din ako. Hindi ba parang alam lahat ng tao na playboy siya. Hindi ako nagtataka kung bakit nai-in love ang mga girls sa kanya. Nagsasabi lang ako ng totoo, maybe. Kung maging kami ni Gerald, hindi rin magtatagal, 3 months lang siguro. Hahaha!”

Para kay Gerald, willing siyang maging biktima ng Arci. Maganda at sexy ang actress at masarap kausap. Nakabibilib daw ang dalaga dahil kahit pagod laging nakangiti.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING