Direk Cathy Garcia-Molina, personal choice sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa movie

ADVERTISING

Direk Cathy Garcia-Molina, personal choice sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa movie

Direk Cathy Garcia-Molina, personal choice sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa movieNANG MAKAUSAP namin ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina sa set ng Unofficially Yours ng Star Cinema, sinabi nito na tailor-made para kina John Lloyd Cruz at Angel Locsin ang nasabing pelikula.

“Hindi sa akin ang entire concept. They wanted a movie about one-night stand. Matagal na ito like 3 years ago, naisip agad naming parang si Angel Locsin ang bagay. Tapos, something happen, maraming nangyari, hindi natuloy na makagawa ‘yung dalawa. Finally, nu’ng ibigay sa akin, ‘yun ang na-approve, ” intro ni Direk.

Mismong si Direk Cathy ang nag-request sa Star Cinema na sina Lloydie at Angel ang bida sa kanyang pelikula. Bakit nga ba itong klase ng istorya na tipong one-night stand ang napili ni Direk Cathy na gawin? “Hiningi ko talaga sina Lloydie at Angel. Maiba naman, lagi na lang tayong boy meets girl. Naniniwala ako, si Angel graduate na sa pa-tweetums na type na pelikula. After ng pelikula niyang ‘In The Name of Love’, ang hirap nang ibalik siya sa tweetums. Not necessarily ang role ay tweetums so, nakahap kami ng role sa kanya na mature, ‘yun,” paliwanag na magaling na director.

Reaction ni Angel nang malaman niyang marami silang bed scene ni John Lloyd? “Si Angel natuwa kasi bago, hindi pa niya nagagawa ‘yung role. Hindi pa niya nagagawa ‘tong klase ng pelikula. So, na-excite siya sa idea. Si Lloydie, natakot kasi, kilala siya as dramatic actor. Hindi siya nagpapa-tweetums pero ang ka-partner niya pa-tweetums. Mas hindi ganoon ka-mature ang love story, ang tema so, natakot siya kung papaano siya tatanggapin ng tao. Si Lloydie naman, I think, I already earned his trust and sabi na lang niya, bahala na lang kami. Since, ‘One More Chance’, buong-buo na ‘yung tiwala niya. So, tiwala siya sa team kaya okay siya,” say ni Direk Cathy.

ADVERTISING

Kuwento ni Direk Cathy, for the first time, magpapakita ng sexiness si Lloydie sa nasabing pelikula. “Mayroon bang sexieness? Ang lusog namin, more than kasi, the sexiness of the scenes at mga artista, hindi naman ‘yun ang ibi-nebenta ko. Even Angel. I wanted them to lose weight, para lang, pleasing to the eyes. Pero hindi para magpa-sexy kasi, beyond ‘yung point ng pelikula. Ako, at this point, huwag namang ma-turn-off ang audience kung ang tataba nila. Talagang effort kay Angel at kay John Lloyd to lose weight. In fact, naawa na rin ako sa kanila kasi, kapag ganitong meal time, hindi sila sumasama, naiinggit. May sarili silang diet nila, they lose 15 pounds yata ang ten more to go. Si Lloydie is working on it so, ‘yun.

“Nakunan ko na ‘yung bed scenes, first scenes, first day. I wanted them to go through the process. Hindi pa climax pero matindi na ‘yung ginawa nila sa first day. Pero ginusto kong ‘yun ang mauna para alam nila ang iri-react nila sa mga susunod na sequences. Kasi ako, as much as possible sana, chronological mag-shoot, eh,” tsika pa ni Direk.

Siguradong kaabang-abang ang sexy scenes nina Lloydie at Angel sa bago nilang pelikula. “Siguro kay Angel, alam kong marami ang nagpapantasya kay Angel. Talagang ang sexy naman niya. Si Lloydie, mas tinatanggap bilang magaling na artista. Ang linis-linis tignan, mukhang boy-next-door, mabango, ma-ganyan. Mas alam ko ‘yun lang, never namang nagpakita ng flesh si Lloydie. Ever since naman, kapag naghuhubad ‘yan sasabihin niya, ‘Direk, talaga bang gusto mo ito? Sa ‘Amnesia Girl’ hindi ba, naghubad na siya, shirt lang naman. Sabi niya, ‘Sagad na ‘yon, Direk’. Sorry, mas sinagad ko siya. May makikita kayo na never pa ninyong nakita kay Lloydie, promise. Sabi ko kasi, maging open kayo sa akin. I’ll will never let you do something na ayaw ninyo. Kung beyond your sensibility, beyond ‘your prinsipyo, hindi ko gagawin. So, lumapit sa akin si Angel, sabi niya, ‘Ito gagawin ko para sa ‘yo’. Kasi, ‘yung tiwala nila. Sabi ko, sige, thank you. I-edit ko, ipapakita ko sa ‘yo. Kung ayaw mo, tatanggalin ko,” kuwento pa ni Direk Cathy Garcia-Molina.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING