Direk Cathy Garcia-Molina, nahirapan sa sequel ng One More Chance

ADVERTISING

Direk Cathy Garcia-Molina, nahirapan sa sequel ng One More Chance

Cathy-Garcia-MolinaNOV. 14, 2007 ipinalabas ang One More Chance nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. After 8 years, itutuloy ang kuwento ng pag-iibigan nina Popoy at Basha sa mga sinehan sa Nov. 25. Kasama pa rin ang dating cast ng One More Chance se sequel nitong A Second Chance.

Ayon sa direktor ng pelikulang si Cathy Garcia-Molina, nahirapan talaga siya sa sequel ng One More Chance.

“Kasi ‘di ba po, marami naman po talaga ang lumalapit sa amin para sabihing nagustuhan nila ang pelikula namin? And given that, it is so hard to think of a story that can at least equal the love story we have given you.

“And it’s not easy at all. In fact, it’s very hard. For me, I consider this (A Second Chance) my hardest of all my films. Sobrang hirap po, sobra talaga,” paliwanag ng box-office director.

ADVERTISING

Umaasa na lang daw siya na maiibigan din ng manonood ang bagong istorya nina Popoy at Basha.

“Ang bawat pelikula, para ‘yang beauty, eh, ‘di ba? It’s in the eyes of the beholder. As much as we want to give you the story that we want, as much as we want to give you the best we can, sometimes, hindi lahat nagugustuhan.

“Minsan po, hindi ‘yon ang ini-expect ng tao at ‘yon po ang pinakamahirap sa amin. Kami naman, nu’ng ginawa namin ito, iisa lang ang gusto namin, dugtungan lang ang kuwento nina Popoy at Basha, at sana maibigan ninyong lahat,” paliwanag pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING