Direk Cathy Garcia Molina, ‘di magsasawang idirek sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Direk Cathy Garcia Molina, ‘di magsasawang idirek sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

Bea-Alonzo-John-Lloyd-Cruz-Cathy-Garcia-MolinaKAHIT HINDI magkarelasyon sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, matindi ang tandem ng dalawa kaya bawat pelikula kumikita sa takilya. Kakaiba ang karisma nila sa publiko, perfect loveteam sila sa paningin ng kanilang mga fans. After ng big success ng huli nilang pelikulang The Mistress, balik-tambalan na naman sila sa pinakabagong handog ng Star Cinema, ang A Second Chance na dinirek ng box-office director Cathy Garcia-Molina.

Kahit ilang beses ng nai-direk ni Cathy Garcia sina Bea at Loydie, kinikilig pa rin ang Queen of Romcom tuwing kinukunan niya ng romantic scenes ang dalawa. Inamin ni Direk na fan siya ng Bea-John Lloyd simula pa nu’ng idirek niya ito. “Yung tandem nila, may kakaibang chemistry sila as loveteam, may magic na wala sa ibang loveteam. Alam nating never silang nagkaroon ng relationship, sa movie lang sila naging mag-lover. Pero patuloy silang tinatangkilik ng manonood. Bawat pelikula nila, palaging box-office success. Positive akong magugustuhan ninyo ang movie namin nina Bea at Lloydie.”

Pawang papuri ang binittwang salita ni Direk Cathy kina Bea at John Lloyd. Masarap daw katrabaho ang dalawa. Baby niya si Lloydie, mabilis daw niyang natatapos ang bawat eksena kahit may mga dramatic scene ang dalawa, puro take one. Iba talaga kapag magaling ang artistang dinidirek mo. Napo-portray nilang maigi ang character na ginagampanan nila sa pelikula.

Super excited si Cathy Garcia nang sabihin sa kanyang siya ang magdi-direk ng pelikulang A Second Chance nina Bea at Lloydie. Say ni Direk, “In any project, hindi mawawala ‘yung excitement sa bagong project na gagawin mo. Lalo pa’t silang dalawa ang artista ko. Hindi ako magsasawang idirek sina Bea at John Lloyd, bukod sa ang gagaling nila as an actor, very professional pagdating sa set.

ADVERTISING

Ayon kay Direk Cathy, in every scene, pinag-uusapan nila nina Bea at Loydie kung papaano ang gagawin sa bawat eksena. Tulung-tulong silang tatlo para maging makatotohanan, collaboration ng bawat isa. Open si Direk Cathy sa suggestion, hinahayaan niya ang artistang mag-explore. Ibigay ang best performance nila as an actor na hindi pa nila nagagawa. Pag-take na raw at kukunan na ang eksena ng dalawa, naka-in character na raw sina Bea at Lloydie, ready for action. “Palaging may bago silang ipakikita, gugulatin ka na lang nila. More pa sa inaasahan mong performance, they’re both great actors.”

Maging ang love scene nina Bea at Lloydie ay napaka-passionate. Hindi nahirapan si Direk Cathy na kunan ang eksena. Sasabihin lang niya sa mga ito ang sitwasyon, ready for action, bingo. Palibhasa gamay na nila ang isa’t isa kaya hindi na sila nahihiyang gawin ang gustong mangyari ni Direk Cathy sa love scene. Pati nga kissing scene nila, mararamdaman mo kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Katuwiran ni Bea, “Kailangang do your best in every scene you do para take one lang. Lalo pa kung love scene ang eksenang kukunan, hindi paulit-ulit. As always, napaka-gentleman ni Lloydie, inaalalayan niya ako. Nagawa naman namin ang gustong mangyari ni Direk Cathy sa scene. After the scene, nagtatawanan lang kami, parang wala lang.”

Sabi nga ni Direk Cathy, kakaibang romantic love story ang A Second Chance. Ipakikita sa pelikula kung bakit kailangang bigyan ng second chance ang mahal mo kahit nagkasala na ito sa ‘yo. May mga dialogue sina Bea at Lloydie na tatatak sa isipan ng manonood. Napaka-intense, very meaningful. Makare-relate ang audience sa bawat character na pino-portray nila. Ibang approach daw ang ginawa ni Direk Cathy, kakaiba sa last movie nina Bea at John Lloyd.

Oo nga’t the best of friends lang ang turingan nina Bea at John Lloyd, pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ang solid fans ng dalawa na darating ‘yung time na posibleng magka-debelopan ang kanilang iniidolo. Kahit sabihin pa nating may kanya-kanya na silang karelasyon, si Bea kay Zanjoe Marudo at si John Lloyd kay Angelica Panganiban. Hindi natin alam ang puwedeng mangyari. Mapagbiro ang tadhana, baka sa bandang huli, ma-realize nina Bea at Lloydie na sila pala ang itinakda para sa isa’t isa. ‘Yun ang ating abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING