Direk Carlo J. Caparas, itsinismis ang love life ng anak na si CJ Caparas

Direk Carlo J. Caparas, itsinismis ang love life ng anak na si CJ Caparas

Direk Carlo J. Caparas, itsinismis ang love life ng anak na si CJ CaparasDirek Carlo J. Caparas, tsismoso rin pala sa love life ng kanyang binatang anak na si CJ Caparas na kabilang sa mga artista sa updated and level-up TV version ng “Ang Panday” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Sa advance screening last night na isinagawa sa SM Aura, ibinuko ni Direk Carlo na crush pala ng binata niyang si CJ ang co-star nito na si Sam Pinto.

“Nalaman ko na lang nang pakialaman ko minsan ‘yong cellphone ni CJ. Nakita ko ‘yong picture ni Sam na noog una, hindi ko pa nakilala,” kuwento ni Direk Carlo sa media na dumalo sa premiere.

Diyaheng-diyahe si CJ sa ginawa ni Direk Carlo J. Caparas na ibinuko siya sa maraming tao.

“Noon po ‘yun, crush na crush ko siya. But I am committed now sa isang non-showbiz girl,” sabi ni CJ sa amin.

Parang magbarkada lang ang relasyon ng mag-ama. Kulitan sila kung may chance during their family time.

Sabi nga ni Direk Carlo, sana seryosohin ni CJ Caparas ang pagpasok niya sa showbiz dahil nand’yan na siya at nagsimula na.

Kuwento nga ng isang Viva production staff, during tapings, si CJ simpe-simple lang at walang ere at marunong makisama, the fact na anak siya ng isang Carlo J. Caparas na may likha ng “Ang Panday”.

At last night’s advance screening, spotted ang Pamilya Gutierrez na all out ang support kay Richard (Ruffa, Raymond, Tita Eddie, at Tita Anabelle), together with the new “Ang Panday’s” partner Sarah Lahbati with son Zion, Mr. Vic del Rosario with daughter Veronique del Rosario-Corpuz, the mega couple Direk Carlo J. with Tita Donna Villa, and the whole casts of “Ang Panday” like Bangs Garcia, Jasmine Curtis with mom ang younger brother, Epy Quizon, Alonzo Muhlach with dad Niño and wife.

“Ang Panday” is directed y Mac Alejandre at magsisimula nang mapanood sa primetime simula Monday, February 29.

Reyted K
By RK VillaCorta