Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa, never daw iniwan ang showbiz

ADVERTISING

Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa, never daw iniwan ang showbiz

Carlo-Caparas-Donna Villa“WE NEVER left (the industry),” ito ang pahayag ni Tita Donna Villa nang muling makaharap ang entertainment media sa presscon ng Angela Markado, a remake of the Lino Brocka 80s movie this time helmed by her betterhalf Komiks King Carlo J. Caparas.

Sorely missed naman kasi ang couple na ito who loves the press, and vice versa. Kaya naman welcome news ang pagbabalik-wide screen ng mag-asawa via a komiks material na si Direk Carlo ang may-akda with Andi Eigenmann in the title role.

In the movie are Angela’s rapists, isa na rito ang anak nina direk Carlo at Tita Donna na si CJ Caparas. Nasubaybayan namin ang batang ito noon na sa larangan din palang kumilala sa kanyang mga magulang ang piniling career path.

Hope to see more of tatak-Carlo J. films which are certified blockbusters.

ADVERTISING

 

‘ETO ANG mga tagpong dapat abangan sa Ismol Family this Sunday.

Nagkita ang dating kaklase ni Majay na si Nene nang mag-reunion sila. Nakitulog ito sa kanila kaya outside the kuwarto muna si Jingo. Pero tinablan ng hiya si Nene na nagpasyang sila ni Majay ang matulog sa sala. Ang siste, ang lakas ng tawanan ng magkaklase sa magdamag na kuwentuhan kaya hindi makatulog ang lahat ng taga-Ismol Family.

Narinig pa ni Jingo na sinabi ni Majay na kung hindi siya nag-asawa agad ay baka marami siyang suitors. Ginatungan pa si Jingo ni Lance. Sinabi ni Jingo kay PJ ang tampo kay Majay. Nang tumawag si Majay ay sinagot ito ni Jingo na nagboses-babae para makaganti. Saan kaya hahantong ang isyu ng mag-asawa?

Samantala, ipinakilala na ni Bernie si Amboy sa grupo. Mukhang nagkakagusto na si Bernie sa dog breeder na ito, a. Binigyan pa ng bracelet ni Amboy ang baklita.

Nakipag-areglo naman si Yakki at ang barkada kina Yumi at Ethan. Narinig naman ni Ethan na may kausap si Yumi sa cellphone: si Bob kaya jealous na naman si Ethan.

Malalaman ang mga kasagutan sa Ismol Family ngayong Linggo sa GMA7!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING