Direk Arlyn dela Cruz: “Wala akong iniutos kay Baron na ihian si Ping”

ADVERTISING

Direk Arlyn dela Cruz: “Wala akong iniutos kay Baron na ihian si Ping”

Direk Arlyn dela Cruz and Baron Geisler
Direk Arlyn dela Cruz and Baron Geisler

Hot topic ngayon ang isyu ng pang-ihi ni Baron Geisler sa kapwa aktor na si Ping Medina sa shooting nila para sa pelikulang “Bubog” na nasa direskyon ni Arlyn dela Cruz.

Ang kuwento ni Arlyn na nakasulat sa kanyang FB Account: “Sa mga nag-aabang ng post, para malinaw lang.

“I did not give any permission to Baron para ihian si Ping. Hindi iyon ang eksena. Wala sa script, walang instruction.

“His character, the temper and demeanor was explained to him. He told Ping, seconds before take, may gagawin ako, wag ka magagalit.

ADVERTISING

“Direk may gagawin ako, may nadinig kami sampal. Akala namin iyon na yun.

“Again, nag-rehearse kami kasi nga no monitor, at di uubra. Outpost tried different approaches pero di umubra,” panimula ni Arlyn sa kanyang pagkasulat.

Ang side niya bilang director ng peikula tungkol sa pangyayari: “There are always many sides to a story but everyone of us who were there knew what you did Baron.”

May mensahe si Direk Arlyn kay Baron: “A sincere apology without excuses is how true men handle this kind of situation.

“Lalaki akong kausap, if you know what I mean and with apologies to my fellow women.

“You said idol at kaibigan mo si Ping. He doesn’t need any aid or push for that scene to work. Paa mo lang nakita sa scene.

“It was his scene and you have yours. Ganun talaga ang pelikula at buhay, hindi lahat ng gusto mo masusunod.

“Magbibigay ka. Makikisama ka, uunawa ka.

“Sabi mo hastag mahal kita. You cannot deny I supported your efforts to reform. I cheered for your small steps of trying to be sober. “

Pagpapatuloy pa niya: “Kung you kept your word na di ka iinom, di mo gagawin ang ginawa mo. You are OK when you are sober. I saw and experienced a sober Baron, respectful but a different person when drunk.

“Hindi ka makulit equivalent to one squad ang bilang.

“Mahalin mo sarili mo Baron and know that you are God’s creation. Marami ang nagmamahal sa Iyo. Nina for one has sacrificed a lot for you. Nobody is perfect.

“I felt your sincerity in wanting to reform kaya nga tinulungan pa kita mag-apologize kay Susan Enriquez na binastos mo weeks ago but she kept silent.

“Gusto mong lagi kang pag-usapan?”

Sa sinulat ni Direk Arlyn, may kaso rin pala si Baron sa news reporter-anchor na si Susan Enriquez na itinago na lang muna hanggang sa maayos ang isyu between them.

Kaso pumutok na rin ang balita at naikuwento na rin ni Susan sa kasamahan niya sa GMA na si Arnold Clavio.

Pagpapatuloy pa ni Arly n sa kanyang mensahe kay Baron: “I am not changing the topic, but you wanted to apologize not because you felt bad. You are scared you won’t get any projects from GMA-7.”

“Apology works only when it’s from the heart. Saan ka ngayon pupulutin Baron? Sayang ka,” pagwawakas ni Arlyn sa kanyang FB post.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING