Direk Arlyn dela Cruz, malabo nang tulungan si Baron Geisler sa isyu ng aktor na sa news personality na si Susan Enriquez

ADVERTISING

Direk Arlyn dela Cruz, malabo nang tulungan si Baron Geisler sa isyu ng aktor na sa news personality na si Susan Enriquez

Direk Arlyn dela Cruz, Susan Enriquez, and Baron Geisler
Direk Arlyn dela Cruz, Susan Enriquez, and Baron Geisler

Sa kanyang facebook account, sinulat at nilinaw ni Direk Arlyn del Cruz ang tungkol sa pangyayaring “ïhian” scene ni Baron Geisler sa co-actor niya na si Ping Medina sa pelikula niya.

Naging hot topic ito sa social media. Ang publiko, may kuro-kuro. Ang showbiz press ibinalita ang mga kaganapan. Pero saan patutungo ito kung hind maging firm ang mga tao na gustong bigyan nga leksyon si Baron na noon pa man ay ugali na niya mambastos?

Sa FB account ni Arlyn, sinulat nito na maging ang news personality ng GMA Network na si Susan Enriquez ay binastos din pala ng aktor. Dahil sa “friendship” ni Arlyn kay Susan, naka-hold na pumutok ang balita sa kagustuhan marahil ng director ni Baron na ayusin ang aberya at abala na nagawa nito kay Mareng Susan.

Walang detalye sa isyu tungkol kina Baron at Susan. Hindi na isinulat pa ni Arlyn ang detalye ng pagkakasangkot ni Baron sa news personality ng GMA.

ADVERTISING

Pero heto’t dahil kaibigan ni Susan si Arnold Clavio at marahil hindi na kayang sikmurain ni Susan ang pambabastos ni Baron sa kanya, ipinarating ni Susan ang pangyayari kay Arnold.

Nagsumbong sa hard-hitting news personality ng GMA at DZBB.

Kung saan hahantong ang kaso at isyung ito tungkol kina Baron at Susan, abangan na lang natin.

Si Direk Arlyn kaya, mamamagitan pa sa aktor niya?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING