Direk Antoinette Jadaone, wala raw pagbabago kina James Reid at Nadine Lustre

ADVERTISING

Direk Antoinette Jadaone, wala raw pagbabago kina James Reid at Nadine Lustre

Direk Antoinette Jadaone
Direk Antoinette Jadaone

Walang na-notice na difference si Direk Antoinette Jadaone kina James Reid and Nadine Lustre sa taping ng “Till I Met You”.

“Honestly, parehas lang ng dati”. Kasi noong nag-i-start sila nu’ng hindi pa sila, may chemistry talaga sila from the start. ‘Pag ‘yung actors may chemistry, parang kung ano lang ‘yung matu-tweak mo sa kanila. Pareho kaming excited kasi bagong characters ito. Kikilalanin ang characters kung paano siya maglakad, kung paano siya kumain, so ‘yun,” chika niya.

Impressed na impressed si Direk Antoinette sa ganda ng Greece kung saan sila nag-taping.

“Super galing sa Greece, eh. Ako, nu’ng nakita ko ang Nikolo, Santorini, Acropolis, gusto namin kung paano kami napa-wow sa unang kita namin sa mga lugar na ‘yon ay gusto naming madala ‘yon sa screen. So, sa Greece, mahaba ‘yung  day time niya, hanggang 8:30 p.m. So mahaba ‘yung taping days namin,” say niya.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING