Direk Antoinette Jadaone, nakaka-insecure daw, sabi ng boyfriend na si Direk Dan Villegas

Direk Antoinette Jadaone, nakaka-insecure daw, sabi ng boyfriend na si Direk Dan Villegas

Dan-Villegas-Antoinette-JadaoneSi Dan Villegas ang director ng Jennylyn Mercado-Jericho Rosales starrer na “Walang Forever” na prinodyus ng Quantum Films. Si Antoinette Jadaone naman ang nagdirek ng “All You Need Is Pag-ibig” na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Derek Ramsay, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, at ng tambalang Kim Chiu at Xian Lim mula sa Star Cinema, kaya magbabangga ang kanilang pelikula sa Dec. 25 for the Metro Manila Film Festival.

“I don’t see it as kalaban, eh, or even competition or rival. Hindi kasi, eh. Unang-una, nagtutulungan kami rito sa dalawang pelikula. Kumbaga, ‘yung story nito, hindi lang naman ako ‘yung gumawa, siya rin. ‘Yung story mismo, ‘yung concept nito kami ‘yung gumawa.

“Tapos do’n sa pelikula rin niya, ganu’n din naman. Nag-uusap-usap din kami about our projects, tulungan kumbaga. ‘Pag ganu’n, I don’t see it talaga as competition or rivalry,” paiwanag ni Direk Dan Villegas.

When asked kung wala ba siyang nararamdaman na insecurity sa girlfriend, lalo pa ngayong hit na hit ang “On The Wings of Love” TV series nito sa ABS-CBN, natatawang nag-explain ang director.

“Nagpapasalamat nga ako na hindi ako insecure na tao. Kasi kung insecure akong tao… nakaka-insecure si Tonette, ‘di ba? Kasi parang may “On The Wings…” siya, may pelikula, pero buti walang ganu’n.

“Thank you Lord na hindi ako… kumbaga, I’m so proud and happy that my girlfriend si very successful. So, sa ganu’ng level, kumbaga let her fly,” paliwanag pa niya.

La Boka
by Leo Bukas