Direk Antoinette Jadaone, direktor na rin ng teleserye

Direk Antoinette Jadaone, direktor na rin ng teleserye

Antoinette-JadaoneDIREKTOR NA rin ng teleserye si Antoinette Jadaone na naging biglang in-demand pagkatapos niyang idirek ang blockbuster films niyang Relax It’s Just Pag-ibig at That Thing Called Tadhana.

She is now assigned to direct On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre na magpi-premiere na sa Aug. 10 sa ABS-CBN Primetime Bida.

“Masuwerte po ako na patok ‘yung mga naiisip kong kuwento kahit pa sa panahon ngayon ng digital world. Ang On The Wings Of Love po kasi ay isang light story, light romantic comedy, pero sa kabila ng kilig-kilig, meron siyang istorya ng family. Merong pagsisikap na itaas mo ‘yung buhay ng pamilya mo. May tamang ingridients ng kilig, ng happy, tapos romance,” kuwento ng lady director.

Nang tanungin ang Jadine kung may nararamdaman ba silang pressured sa first teleserye nila together, ang sagot ni James ay, “Yes, I’m pressured but I’m also confident sa ginawa namin.”

Comment naman ni Nadine when asked kung ano ang masasabi niyang ikinu-compare ang loveteam nila ni James sa ibang loveteam, “For me, wala naman pong competition, kasi iba-iba rin naman ‘yung naibibigay ng bawat loveteam.”

La Boka
by Leo Bukas