Dion Ignacio, nakaka-badtrip ang pagiging mahangin; Lovi Poe, kailangan nang bumalik sa Mulawin vs. Ravena!

ADVERTISING
Dion Ignacio, nakaka-badtrip ang pagiging mahangin; Lovi Poe, kailangan nang bumalik sa Mulawin vs. Ravena!
Lovi Poe and Dion Ignacio

EFFECTIVE ang pagganap ni Dion Ignacio bilang Siklab sa Mulawin vs. Ravena. Siya ang ravena na sa umpisa pa lang ng istorya ay may pagka-mahangin na ito at sobrang bilib sa sarili. Feeling hari ang birdie! 

Nag-tame ang kanyang pagiging ma-feeling nang makilala niya si Magindara, ang diyosa ng tubig played by Lovi Poe.

Marami ang kinilig sa mga pahangin pero nakakakilig na banat ni Siklab kay Magindara sa bandang third week ng fantaserye. Mas kinikilig pa nga ang mga tao sa tambalan nila over the other younger loveteams of the show.

Kaso, may paepal na hungyango na gumaya kay Siklab at ito ang nakipagkita kay Magindara para sabihin na hindi na tuloy ang kanilang pagtatanan.

Dahil dito, balik sa pagiging bad birdie si Siklab. Si Magindara naman na super sexy ang costume ay nawala na lang bigla.

ADVERTISING

Last Friday ay tinangka ni Siklab na patayin si Gabriel (Dennis Trillo) na hari ng Halconia dahil tinugis nito si Daragit (played by Roi Vinzon), na siyang tunay na ama ni Siklab. 

We are happy for Dion dahil marami ang nakakapansin ng pagiging effective kontrabida niya. Nanghihinayang ang ilan dahil tila umalis na ng tuluyan si Lovi Poe sa programa tulad na lang nina Heart Evangelista as Alwina na deads na ang character at si Carla Abellana as Aviona, na ayon sa recent episode ay pumanaw na rin. Kaloka!

Open-ending ang Siklab-Magindara love story. Maganda na ‘yung innocent mermaid ay mapabago at mapa-ibig ang ravena na sobrang laki ng bilib sa sarili. Makakahatak ito ng ratings, I swear.

Sa tingin namin ay dapat na silang mag-reunite dahil ang kanilang pagmamahalan ang nagwowork at hindi ang mga loveteams na pinipilit nilang ibenta!

ADVERTISING