Dion Ignacio & Jackie Rice: Sexy Afternoon Lovebirds

Dion-Ignacio-Jackie-RiceDION IGNACIO
Real Name: Dion Joseph Ignacio
Birthdate: March 28, 1986
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Element: Fire
Basic Trait: I Am
Closest Metal: Iron
Lucky Day: Tuesday

JACKIE RICE
Real Name: Jackie Sobreo Rice
Birth Date: April 27, 1986
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

ANG INNAMORATA ang isa sa programang nagpapainit sa telebisyon tuwing hapon. Hindi man masyadong nagpapakita ng ‘skin’ ang cast members nito tulad ng katapat na show, hindi naman maipagkakailang may laban ang stars ng programang ito. Sa boys ay nand’yan sina Luis Alandy at Dion Ignacio. Ang mga bebot, sina Max Collins, Gwen Zamora and Jackie Rice.
Hindi sina Dion at Jackie ang itinuturing na pinakabida sa Innamorata, pero hindi maitatago ang kanilang chemistry sa kilig scenes. Parehong produkto ng Starstruck, keri rin nilang ma-lovestruck!
Ang alam namin ay parehong in a relationship sa non-showbiz peeps ang dalawa, pero may chance at love kaya ang hunk at sexy babe na ito?
Ang Aries ay palaging nagmamadali. Kung may gusto itong gawin sa buhay, he or she needs to do it as soon as possible. Meanwhile, Taurus would like to take its time getting to know someone better bago sumunggab sa isang bagay lalo na kung malaki ang risk na gagawin. Ang Aries ay madalas na ‘epic fail’ sa kamamadali, habang ‘I told you so!’ naman ang banat ng Taurean. Sa totoo lang, mas maraming problemang kahaharapin ang tambalang ito kaysa sa happy times. Magkasalungat ang viewpoint nila sa buhay kaya it takes lotsa effort to make this thing works!
Kung masuwertehan nilang ma-balance ang kanilang differences, may chance naman na maging okay ang kanilang relasyon. P’wedeng bigyan ng stability ng Taurus ang pagka-compulsive ng Aries lalo na sa long-term decisions. Paminsan-minsan ay maiirita ang Aries sa pagiging seryoso sa buhay ng Taurus. Gusto ng Aries na mag-live at the moment, habang future naman ang palaging iniisip ng Taurean. Gulo much?
Kung Astrology ang pagbabasehan, hindi talaga meant for each other ang Aries at Taurus. Sa umpisa ay p’wedeng may attraction sa pagitan nila, pero mapapalitan ito ng series of fights at nagging. Hindi kasi ganu’n kaseryoso sa buhay ang Aries samantalang mas kampante ang Taurus kung may stability sa relasyon. Gusto nito na mas lagi niyang kasama ang dyowa sa bahay, pero masasakal ang lalaki. Good start, tsakang ending.
Hmmm…. mukhang pang-dramarama sa hapon lang talaga swak sina Dion at Jackie, ha! Pero bet na bet namin ang loveteam nila! Bigyan ng pelikula ‘yan, basta work lang, ha?

Pares-Pares

By Madam DaminDion Ignacio & Jackie Rice: Sexy Afternoon Lovebirds