DINGDONG, ‘DI PA SURE: Vice Ganda, wala pa rin leading man sa MMFF 2018

ADVERTISING

DINGDONG, 'DI PA SURE: Vice Ganda, wala pa rin leading man sa MMFF 2018

DINGDONG, 'DI PA SURE: Vice Ganda, wala pa rin leading man sa MMFF 2018
Dingdong Dantes and Vice Ganda

TAHIMIK lang si Vice Ganda sa isyung kinasasangkutan ng sinasabing ex-boyfie niya na si Terrence Romeo. Basta ang say lang ng gandarang si Vice sa isyu ay Kapayapaan.

Mas madami kasi pinagkakaabalahan ang unkabogable box-office superstar ngayon na kung walang aberya ay nagsi-shooting na siya para sa MMFF 2018 entry niya.

Bukod sa kasali ang komedyante sa conceptualization ng istorya (lalo na ang mga sketches at jokes na ilalahok sa kuwento) ay until now ay wala pa leading man na napipili si Vice na makakasama sa pelikula.

Malakas ang usap-usapan na dalawa diumano ang magiging leading man niya:  Sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

ADVERTISING

Wala man si Coco Martin (may sarili siyang entry with Vic Sotto); or Daniel Padilla, pag nagkataon, dala-dalawa naman ang mga naguguwapuhang mga men ang makakasama niya.

As of this writing, wala pa ina-announce kung sino talaga ang makakasama si Vice sa kanyang entry na “Fantastica: The Princess, The Prince and the Perya” with Kapamilya stars Maris Racal, Loisa Andalio and Maymay Entrata.

Ang comedy-fantasy entry ni VG ay  produced ng Viva Films at ABS-CBN and will be directed Barry Gonzales.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING