Dingdong Dantes was offended by staff of Mel Tiangco’s show?

ADVERTISING

Dingdong Dantes was offended by staff of Mel Tiangco’s show?

Dingdong Dantes was offended by staff of Mel Tiangco’s show?NAPAMURA PALA TALAGA si Dingdong Dantes dahil sa matinding galit nang pakia-laman ang mga bagay sa kanyang sala nang mag-set ng interview ang isang show ng GMA News TV.

ADVERTISING

Nagulat ang actor nang makita niyang nabago ang ayos ng kanyang sala matapos itong pakialaman ng staff ng GMA-7. Sa tindi nga raw ng galit ng actor ay bigla itong napasigaw, napamura at kinuyumos ang kanyang kamao. Na-shock nga raw ang lahat ng GMA staff na naroon. Bigla silang tumahimik. Never daw kasi nilang nakita nang ganoon si Dingdong na kilalang matimpiin at hindi kailanman nagpakita ng galit.

Iyan ay kuwento sa amin ng isang GMA insider na naroon ng mga oras na iyon kaya hindi n’yo kami maaakusahan na nag-imbento.

Wala pa ang host ng programa na siyang mag-i-interview kay Dingdong noong mga oras na iyon at hindi na ito tumuloy pa sa bahay ng actor dahil alam niyang mainit na talaga ang ulo ng dyowa ni Marian Rivera. Ayun, na-cancel tuloy ang

ADVERTISING

taping.

Nagtataka lang kami, bakit ba pinakialaman ng staff ng GMA ang mga gamit ni Dingdong sa sala at inayos ito ayon sa kagustuhan nila? Sino ang nag-utos na gawin nila ito? Aba, kung parati nila itong gagawin na hindi alam ng kanilang iinterbyuhin ay talaga ngang magagalit ang artistang bisita nila.

Naiintindihan namin ang inasal ni Dingdong. Siyempre, talagang nakakainit ng ulo na ang mga bisita mo lamang ay makikialam sa design ng iyong sala gayong hindi naman ito ipinagpaalam sa iyo. Any which way we look at it, kawalan iyon ng respeto.

Bakit hinahayaan ng GMA na mangyari ito sa isang katulad pa man din ni Dingdong na prime ar-tist nila?

Sabi sa amin, nakausap naman si Dingdong ng host ng programa. Nag-sorry rin ang staff ng show na nakialam sa ayos ng sala ng actor.

Dapat lang, ‘no!

Eh, ano ba ‘yung show na nakialam sa bahay ni Dingdong? Ano pa kundi ‘yung Powerhouse hosted by Mel Tiangco.

Teka, bakit nga ba walang report ang GMA tungkol sa issue na iyan? Akala ko ba wala silang kinikilingan, walang pinoprotektahan? Bakit parang nagkaroon ng news blackout ang istoryang ‘yan?

 

NAKAKALULA PALA ANG naitalang rating ng last episode ng Mara Clara. Ang last episode kasi nito ay nakakuha ng 43.4%  sa National ratings of Kantar Media. Sa household rating naman ay naka-32.2% ito samantalang 18% naman ang naitala nito sa People ratings ng AGB Nielsen among Mega Manila households.

So, natalbugan, kung ganoon, ng Mara Clara ang show ni Marian Rivera sa kabilang istasyon.

Teka, ‘di ba ang sabi ng defenders ni Marian ay hindi na raw nagbibigay ng 40% ratings ngayon at nagsimula raw ito nang magka-Ondoy at nang maging very active na ang TV5.

Now that Mara Clara got a whopping 43.4% rating, ano naman kaya ang masasabi ng mga Marianitas?

 

BLIND ITEM: MAY bago na naman daw apple of the eye ang tibong network executive na ito. Of course, nasa network niya ang kanyang bagong pinagpapan-tasyahan. Isa itong young actress na hindi naman kagandahan kundi maputi lang.

Ang tsika sa compound ng pinagrereynahan (pinaghaha-rian?) niyang network ay unti-unti nang nagpaparamdam ang tibo sa aktres na medyo hurting ang drama ngayon.

Kung totoo ito, hindi kami magtataka kung biglang bumongga ang career ng hitad na na-disillusion kamakailan dahil sa kanyang naudlot na proyekto. We will not be surprised kung maging kabi-kabila ang proyekto ng aktres na ito dahil nga sa kakaibang pagtingin sa kanya ng tiborsyang network executive.

Teka, paano na ang aktres na sinasabing hawak din ng lesbian na ito? Does this mean na wala na siya sa eksena?

Well, siya pa rin naman daw ang dyowa ng tomboy na ito. Kumbaga, reserve lang ang young actress para hindi ma-zero ang love life ng lesbian network executive.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING