Dingdong Dantes, walang balak pakasalan si Marian Rivera?!

ADVERTISING

Dingdong Dantes, walang balak pakasalan si Marian Rivera?!

Dingdong Dantes, walang balak pakasalan si Marian Rivera?!MAGANDA ANG takbo ng showbiz career ngayon ni Dingdong Dantes. Nakakapag-ober the bakod na ang actor sa Star Cinema. Naging box-office success ang pelikula nila ni Kris Aquino sa MMFF last year. Bukod sa pagiging live gala presenter ng Protégé, The Battle for the Artista Break ng GMA-7, may gagawin uli siyang pelikula under Star Cinema with Angel Locsin at Angelica Panganiban. This time, magpaka-da-ring na kaya ang guwapong actor?

“It’s an adult movie, I wouldn’t say it’s da-ring, pinakamahirap ‘yun. Ito ‘yung mga real situation in life. Kumbaga, ‘yung problema ng bawat character,” sabi niya.

Siyempre, hindi maiiwasang mapag-usapan ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera. Sinabi ng actor na masaya sila sa takbo ng kanilang relationship kahit pareho silang busy. Never pa raw nilang napag-usapan ang paglagay sa tahimik. Marami pang gustong gawin ang dalawa bago nila seryosohin ang pagpapakasal. Ikinuwento ni Dingdong na muli silang nagkaharap at nagkausap ng tatay ni Marian. Naging maayos naman daw ang kanilang pag-uusap. Walang nangyaring ilangan sa dalawa.

“Mas masaya this time around kasi, nakilala ko na siya nu’ng una, kaya medyo naka-warm-up na kami sa isa’t isa. Enjoy lang, mas maayos na ‘yung communication namin dahil may translator. Pati siya, nakakapag-communicate na madalas through technology,” pahayag ng actor.

ADVERTISING

Sa pag-uusap nina Dingdong at tatay ni Marian, wala bang seryosong napag-usapan o habilin man lang? “Walang ganu’n, casual lang ang naging pag-uusap namin. We have common interest like mahilig siya sa sasakyan. Bata pa siya, around forty plus. Mahilig siya sa kotse, karerista rin siya ng motorsiklo noong araw. Mahilig din siya sa steak. Mahilig din siyang mag-grill, ‘yung mga ganu’ng bagay,” say ni double D.

Ayon kay Dingdong, after ng soap nila ni Marian sa My Beloved hindi muna sila magtatambal. “Tama lang naman ‘yun dahil kailangan din naming makagawa ng ibang project para maka-explore rin siya ng iba’t ibang role, ganu’n din ako.”

Ngayong nagbukas na ang Protégé, may nararamdaman bang pressure kay Dingdong  bilang host dahil magiging katapat niya si Cesar Montano (host) sa artista search ng TV5?

“Oo, magandang may pressure. Kasi, mismong contestant dapat uma-ayos sila dahil hindi lang bente may katapat pa silang iba. Hindi naman madaling magkaroon ng maraming bagong artista, kakumpitensiya nila ang isa’t isa. The pressure’s really on them. Ang style ko sa pagho-host, relax lang. Hindi ko naman siya masyadong ginagawang pormal. Pormal ‘yung mga kasuotan. Maramdaman naman ng audience na ‘yung bida dito ay ‘yung mga baguhang gustong mag-artista. Kaming mga artista rito sa show, may sari-sariling favorites sa top 20 aspirants,” wika niya.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING