Dingdong Dantes, titigbakin na rin ang serye

ADVERTISING

Dingdong Dantes, titigbakin na rin ang serye

Dingdong-DantesNASA CHOPPING board na rin daw ang teleserye ni Dingdong Something dahil hindi ito masyadong nagre-rate at hindi rin yata marami ang commercial load nito.

ADVERTISING

Aba, nakakadalawa na ang artists ni Perry Lansigan, ha? Una, ‘yung teleserye ni Gabby Eigenmann tinigbak na , and now ito namang kay Dingdong ang isusunod.

Teka, what’s this we heard na nagbabalak na raw palang tumakbo si Dingdong sa eleksyon next year? After niyang sabihing wala siyang balak tumakbo ay nagbago na ang kanyang isip? Spell palabra de honor?

 

ADVERTISING

USUNG-USO PALA ang retrenchment sa GMA-7 ngayon as reported in one website ay sampung guys ang tsinugi ng Siyete.

Nabalitaan nga namin na pati ang isang PR specialist ay na-retrench. Eleven years na ang amiable PR na ito sa GMA-7 pero na-retrench pa rin siya dahil  redundant daw ang kanyang posisyon. Ang nakakaloka lang, it took the network eleven years to realize na redundant ang trabaho ng PR specialist.

Imagine, kahit eleven years ka na pala sa GMA ay wala pa rin palang security of tenure. ‘Yan ba ang Kapuso?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING