Dingdong Dantes, tinuturuan ni Marian Rivera ng kagaspangan ng ugali?! – Morly Alinio

Dingdong Dantes, tinuturuan ni Marian Rivera ng kagaspangan ng ugali?! - Morly AlinioDingdong Dantes, tinuturuan ni Marian Rivera ng kagaspangan ng ugali?! - Morly AlinioNARAMDAMAN NG KAMPO ni Shaina Magdayao na napag-iwanan siya ng kanyang kakontemporaryong sina Kim Chui, Melissa Ricks, Erich Gonzales at Maja Salvador mula nang malink ito sa aktor na si John Pratts.

Marami ang nakapansin na mula nang makipagrelasyon ang nakababatang kapatid ni Vina Morales kay John ay para bang nawala ang kinang ng dalaga bukod sa wala na siyang masyadong project na ginagawa sa kabila ng katotohanang hindi na magkandaugaga ang channel 2 sa kung anong proyekto ang ibibigay sa kanya.

At dahil unti unting nangungulimlim ang career ni Shaina kung kaya’t marami ang nagsasabing kailangang “mamahinga” muna ang aktres sa lovelife. Tama lang ang desisyon ni Shaina. Bukod sa pinasaya niya ang mga parents niya, wise desisyon ‘yun dahil tingnan mo nga ang nangyayari sa career niya.

Hindi naman sinasabing malas si John sa career ni Shaina dahil bukod sa mabait ay alam naman nating naging sinsero ang aktor sa kanyang damdamin sa dalaga. “Kaya lang, tama lang talagang magkanya-kanya muna sila para parehong may marating ang kanilang mga career.”

DEADMA ANG KAMPO ni Manny Pacquiao sa balitang lumabas na diumano ay dalawang buwang buntis si Krista Ranillo at ang ama ay ang Pambansang Kamao. Ayon sa ating source, ang tunay na dahilan daw kung bakit mula nang ma-link si Manny kay Krista ay never nagbigay ng pahayag ang dalaga dahil marami itong “itinatagong” lihim at isa na nga rito ay ang pagdadalang-tao ng sexy actress.

Hindi pa ganu’n ka-confirm ang isyu pero kung paniniwalaan ang mga balitang naglalabasan, walang dudang nagdadalang-tao nga ang dalaga na tiyak na ipagre-react hindi lang ng kampo ni Manny kundi ng buong angkan ng aktres lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mat Ranillo III at Ligaya, idagdag pa si Tita Gloria Sevilla.

Walang reaction ding makuha mula sa pamilya nina Manny at Krista dahil kung y’ung sinasabing relasyon nila ay itinanggi, ‘di lalo ngayong sinasabing nagdadalang-tao ang dalaga.

NAKAKALOKA NAMAN ANG ugali ni Marian Rivera kung totoo ngang tinuturuan nitong maging magaspang ang pag-uugali ni Dingdong Dantes. May nagkuwento kasi na may nagpapa-picture sa isang hotel at pumayag naman si Dingdong pero nang makita ni Marian na nag-pose na ang aktor ay hinila ni Marian ang boyfriend palayo sa fan na nagpapa-picture.

Hindi lang ang insidenteng pagpapa-picture, kundi maging sa personal na desisyon ay “pinakikialaman” din daw ni Marian si Dingdong. Bagay na kung minsan ay “ikinapupuno” ng aktor sa dalaga dahil likas na mabait ang binata.

“Sana naman huwag turuan ni Marian nang hindi maganda si Dingdong. Kasi kung maldita siya, si Dingdong ay mabuti at galing sa maayos na pamilya.” Sabi ng isang taong malapit sa aktor.

Sa kabilang banda, kahit marami ang nagagaspangan sa ugali ni Marian ay marami rin naman ang natutuwa sa aktres dahil habang tumatagal ay lalo raw lumalalim ang kakayahan nitong umarte sa Darna.

More Luck
by Morly Alinio