Dingdong Dantes, susubukang mag-pari

Dingdong Dantes, susubukang mag-pari

Dingdong-DantesNAGSIMULA NA palang mag-taping si Dingdong Dantes ng bagong drama series niya sa GMA 7 na Parikoy.

Isang pari ang role niya rito, pero cool o parang rakistang pari. Ang cute ng kuwento at bago nga ito sa ating GMA Primetime King.

Dito muna concentrate si Dingdong dahil ang susunod namang gagawin niya ay hosting sa Starstruck 6. Pero hindi pa naman nagsisimula ‘yun.

Bagong challenge daw itong Parikoy kay Dingdong dahil ngayon lang siya gaganap bilang pari.

At least walang mali-link sa kanya na leading lady rito. Pero ang dinig ko, meron pa rin siyang leading lady rito, pero walang romantic angle siyempre.

Hindi pa raw kasi sila nakahanap ng leading lady, kaya wala ito nu’ng nakaraang story conference.

Si Marian Rivera naman ay malapit na ring magsimula ng bagong drama series niya. Kaya nag-look test na nga ito.

May katomboyan naman ang tema ng drama series ni Marian. Ang sabi nila, isang tomboy raw ang role niya rito, pero parang hindi naman.

Tingnan na lang natin sa storycon dahil nandu’n ang iba kong alaga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis