Dingdong Dantes, super excited na sa nalalapit na pagiging daddy

ADVERTISING

Dingdong Dantes, super excited na sa nalalapit na pagiging daddy

Dingdong-DantesSUPER EXCITED na talaga ang father-to-be na Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, dahil naka-focus na ito sa anytime na panganganak this coming week (or within this month) ng ever-pretty nitong may bahay na si Marian Rivera.

Yes, kung susundin ang eksaktong petsa na tantiya ng OB-Gyne ni Marian ay sa November 16 na ang inaasahang date na iluluwal na ni Marian ang kanilang panganay ni Dingdong.

Kapwa-excited ang mag-asawang DongYan dahil first born nga nila si Baby Maria Letizia, ang ipapangalan nila sa kanilang supling. Itong si Dingdong, eh mega-excited at siya pa ang naging “interior designer” ng magiging bedroom ng anak, dahil siya ang personal na nag-decorate ng baby stuffs sa room nito.

Ilang buwan na rin ang preparasyon ng mag-asawa – mula sa regular na check-up ni Marian, pagbili ng mga gamit ni baby, nakapag-baby shower na, etc.

ADVERTISING

Matagal-tagal rin kasi ang panahong hinintay ni Dingdong upang maging isang ganap na ama – and he’s just as excited (and overwhelmed) sa parating na blessing, na finally ay magiging Daddy Dingdong na siya!

Mas nakapaghanda nga si Dong sa personal life niya lately, upang personal ngang maasikaso ang needs ni Marian, mula sa paglilihi, pagbubuntis, hanggang pagsilang ng kanilang baby Maria Letizia.

Active pa rin naman si Dingdong sa pagiging youth advocate niya para sa kanyang Yes Pinoy Foundation at patuloy lang siyang uma-attend ng mga activities ng nasabing foundation. Pahinga muna this year si Dong sa paggawa ng movies, dahil nga sa mas nais muna niyang mag-concentrate sa pagbubuntis at pagsilang ni Marian.

After all, ito naman ang pinakahihintay nilang mag-asawa. At hindi rin lahat ng showbiz couples na ikinakasal ay nabe-blessed agad ng baby.

Although nandiyan pa rin ang hosting stint ni Dingdong sa StarStruck, ang original artista search na pinasikat ng GMA, na habang tumatagal ay lalong nagiging exciting ang laban kung sinu-sino ang lulusot sa ultimate finalists ng nasabing show na pinanggalingan nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at iba.

Ngayong December na ang much-awaited na finals night ng StarStruck at maliban kay Dingdong, looking forward rin ang co-hosts niya sa show na sina Megan Young, Rocco Nacino, etc, pati na ang mga huradong sina Jennylyn, Regine Velasquez, at Joey de Leon.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING