Dingdong Dantes sinugod ni Marian Rivera sa taping? – Morly Alinio

ADVERTISING

Dingdong Dantes sinugod ni Marian Rivera sa taping? - Morly Alinio

Dingdong Dantes sinugod ni Marian Rivera sa taping? - Morly AlinioDEADMA SI KARYLLE sa isyung sinugod ni Marian Rivera si Dingdong Dantes sa set ng soap opera nila ni Rhian Ramos.

ADVERTISING

Ang tsika kasi ay apektado na raw si Darna sa mga naglalabasang balita. Usap-usapan kasi na sobrang sweet daw nina Dingdong at Rhian sa isa’t isa. Kung paniniwalaan ang balita ay napapadalas daw ngayon ang pag-aaway nina Marian at Dingdong na ang pinag uugatan ay selosan.

“First of all, wala ako sa posisyon para magsalita para sa kanila. Ayokong mag-comment talaga dahil wala akong alam sa kung ano ang nangyayari sa kanila,” iwas na pahayag iyon ni Karylle.

[ad#post-ad-box]

Unti-unti na raw ngayon nararanasan ni Marian ang unang naging karanasan nina Antoinette Taus at Karylle sa piling ni Dingdong, na sa simula ay sobrang pagmamahal but in the end ay bigla na lang kumakalas ang binta sa relasyon.

ADVERTISING

“Hindi si Marian ang klase ng babae na pakakasalan ni Dingdong. At hindi na rin bago sa akin ‘yung ginagawa ngayon ni Dingdong na pagde-deny kay Rhian dahil nagawa na niya iyon noong mga panahong sila pa nina Antoinette at Karylle. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay umamin ang dalawa na wala na sila at nag-iiyak si Marian,” pahayag ng isang taong malapit kay Dingdong.

AYAW MAGPA-INTEBYU pero napilit din naming magsalita sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo matapos ang kanilang storycon.

Ayon sa dalawa, wala pa raw go signal ng kanilang mother station para magsalita sila kaugnay nang muli nilang pagsasama sa isang proyekto. “Actually, matagal na rin kaming hindi nagkasama ni Jake, almost a year na rin but since pareho naman kaming matured kaya walang problema ang muli naming pagsasama rito sa Your Song,” sabi Roxanne. Dagdag ng dalaga, hindi magiging malaking dahilan para maghiwalay sila ng kasintahang Chinese ang muling pagsasama nila ni Jake sa isang show.

“Masaya naman kami at wala akong nakikitang dahilan para magkaru’n ng problema dahil itong pagsasama namin ni Jake, e, purely trabaho lang.”

Sinabi naman ni Jake na na-miss din niya si Roxanne pero hindi dumating sa punto ng kanyang buhay na naglasing siya na tulad sa mga naglabasang balita noon.

“Alam kong masaya na si Roxanne sa bago niyang pag-ibig at masaya na rin ako para sa kanya,” sabi ni Jake.

SINABI NI VILMA Santos na hindi niya kinakitaan ng lungkot ang anak niyang si Luis Manzano mula nang mapabalitang nakipaghiwalay ito kay Angel Locsin.

Ayon kay Ate Vi, smart si Luis kaya hindi na niya ito kailangan pang bigyan ng payo.

“Alam kong wala na talaga sila pero kung ano man ‘yung reason kung bakit wala na sila,e, ibigay na lang natin sa kanila iyon. Ang importante ay maayos naman sila naghiwalay,” sabi ni Ate Vi. “Mabait na bata si Angel at alam ko na may dahilan kung bakit sila nag-break ni Luis.”

Inamin din ni Ate Vi na wala siyang plano sa darating niyang birthday sa November 3.  “Kung ako ang masusunod, ayoko talaga ng mga bonggang party. ‘Yung nangyari last year sa Capitolyo ,e, na-surprise talaga ako ru’n. Honest, wala talaga akong plano sa birthday ko maliban sa siyempre gusto kong makasama sa mahalagang okasyon na iyon ang aking pamilya at yearly naman naming ginagawa iyon ni Senator Ralph, lumalabas kami para kumain.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING