Dingdong Dantes, si Marian Rivera ulit ang gustong makapareha sa susunod na project! – Lolit Solis

Dingdong Dantes, si Marian Rivera ulit ang gustong makapareha sa susunod na project! - Lolit Solis

Dingdong Dantes, si Marian Rivera ulit ang gustong makapareha sa susunod na project! - Lolit SolisOBVIOUS TALAGANG LOVE na love ni Dingdong Dantes si Marian Rivera dahil kahit anong intriga ng mga reporter sa kanila ni Rhian Ramos dahil maganda pa naman ang rating ng Stairway to Heaven, maingat talaga ang mga sagot nito.

Sa presscon ng Family Feud na sisimulan na niyang i-host sa darating na Lunes, tinanong ito ng mga reporter kung pagkatapos ba ng Stairway ay gusto niyang masundan sila ng isa pang project ni Rhian. Sabi ba naman, mas gusto raw niyang magkaroon sila uli ni Marian.

Tingin daw niya, marami pa rin ang nag-aabang sa balik-tambalan nila ni Marian at sana ‘yun daw ang susunod na gagawin nito.

In fairness naman kasi, nabuo ang magandang chemistry nila ni Rhian at nakikita naman sa Stairway. Pero mas type pa rin daw niyang si Marian ang makasama niyang muli. Siguro para safe na lang, ‘di ba? Para wala nang selosan at hindi pa magkaroon ng conflict sa kanila ni Marian.

In fairness naman kay Marian, all-out din ang suporta nito kay Dingdong. Nu’ng first taping ng aktor sa Family Feud, sinamahan siya ni Marian at pati si Richard Gomez na original host nito ay dumating din para magbigay-suporta kay Dingdong.

Sabi nga ni Dingdong, hihingi raw siya ng tips kay Goma kung paano ang magandang timing para halikan ang mga babaeng contestant.

Iyun ang isang gimik ni Goma sa Family Feud na type gayahin ni Dingdong para maging effective din sa mga manonood.

Bongga naman ang araw ni Dingdong kahapon. Ini-launch ito bilang bagong endorser ng National Bookstore at pagkatapos nu’n, may Thanksgiving party ang Stairway to Heaven at kinagabihan ay may maagang pa-party ang management nito na PPL ni Perry Lansigan para sa movie press.

Isa kasi si Dingdong sa nauunang magpa-Pasko sa mga movie press kaya love na love ito ng mga movie press.

MAY MGA MANGILAN-NGILANG nagbigay ng ‘di magandang komento sa paglipat ni Claudine Baretto sa GMA-7.

Sey ng ilan, naghanap lang daw ang GMA-7 ng sakit ng ulo. Pero in fairness naman kay Claudine, siguro bigyan muna siya ng chance na mali ang ibinibintang sa kanya kaya tingnan muna natin.

Excited nga raw siya dahil magkasama na sila roon ng asawa niyang si Raymart pati ang mga kaibigan niya dati sa Dos gaya nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin at Paolo Contis.

Siyempre tinanong na rin kay Claudine kung okay lang ba sa kanya na makatrabaho sa GMA-7 si Mark Anthony Fernandez.
Wala naman daw problema ‘yun at napag-usapan na nga raw nila ‘yun ni Raymart.

May asawa na rin naman si Mark at nakalimutan na nila ang nakaraan nila kaya okay lang daw na makatrabaho niya ito.

Wala pang sinasabi ang GMA-7 kung ano ang gagawin nito. Pero siguro bago siya magsimulang magtrabaho, magpapayat muna siya nang bonggang-bongga, di ba?

Since, nasa GMA-7 na si Claudine, totoo naman kaya ang tsikang balak naman daw lumipat sa Dos ni Sunshine Dizon?

Ang dinig ko, gusto nitong magpa-release sa kontrata niya sa GMA-7, pero hindi yata pinayagan kaya hintayin na lang natin ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis