Dingdong Dantes, sa Bali magpo-propose ng kasal kay Marian Rivera?!

ADVERTISING

Dingdong Dantes, sa Bali magpo-propose ng kasal kay Marian Rivera?!

Dingdong Dantes, sa Bali magpo-propose ng kasal kay Marian Rivera?!BUTI PA sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ang saya saya nila sa Bali, ha!

Nu’ng Linggo sila umalis patungong Bali para doon i-celebrate ni Marian ang kanyang kaarawan.

Surprise ‘yun ni Dingdong sa kanya, at wala raw siyang kaalam-alam na sa Bali pala sila pupunta. Basta, pinaghanda lang siya ni Dingdong ng isusuot nito, dahil paraiso raw itong pupuntahan nila.

Dingdong Dantes, sa Bali magpo-propose ng kasal kay Marian Rivera?!Tinukso nga naming baka doon na mag-propose si Dingdong sa kanya.

ADVERTISING

Sabi naman ni Marian, kung sakaling meron na raw na ganu’ng drama, hindi naman daw nila ipagkakait ‘yun.

Pati nga mga pictures nila sa Instagram sa Bali pinu-post nila dahil gusto naman daw nilang i-share ito sa mga fans nila.

Kaya wala raw silang itatago kung sakaling may plano na pagdating sa kasalan.

Kasi naman ang birthday wish ni Atty. Felipe Gozon kay Marian nu’ng pumirma ito sa GMA 7 nu’ng Sabado, “happy married life” daw. Kaya tuloy napapagdudahan nang meron na talaga silang plano.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING